Kabanata V

19 0 0
                                    

Nasa cafeteria ako ngayon kasama si Yerry.

Sa halos isang buwan ko dito sa PERESTE Academy ay nakahanap din ako ng kaibigan.

At sa ngayon nga ay kasama ko syang kumakain.

Sya si Yerry Gomez.

Madami kaming pinagkaiba ni Yerry.

Lalo na sa itsura.

Si Yerry ay may maikling buhok na hanggang itaas ng balikat nya.

Habang ang buhok ko ay hanggang kalahati na ng likod ko.

Mas matangkad din ako sa kanya pero kaunti lang ang lamang ko.

Madaldal din itong si Yerry at may pagka-straightforward.

"...kaya ikaw Jyn, wag na wag mong papatulan yang si Rachelle!" Ani Yerry.

Nabalik ang ulirat ko nang banggitin ni Yerry si Rachelle.

Si Rachelle ay ang kaklase ko na nang irap sa akin nung sinabi kong di ko pa sya kilala.

Sinabi sa akin ni Yerry na matagal na daw na may gusto iyong si Rachelle kay Ethan.

Naalala ko pa ang pagbabanta nya noon sa akin nang malaman nyang nakatitig ako kay Ethan.

Ako na lang ang natira dito sa room na nag-aayos ng gamit para sa pag-uwi kaya't binilisan ko ang pagkilos.

PossibilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon