Kinaumagahan ay Sabado. Nakasakay ako sa sasakyan ni Yerry. Tanghali nang bigla bigla syang sumulpot sa bahay namin at pinaalam ako kay Inay na may pupuntahan kami. Pumayag naman si Inay. Tuwang tuwa kasi ito sa mga dalang cookies ni Yerry. Bi-nake nya daw iyon.
"San ba talaga tayo pupunta?" Nangunot ang noo ko kay Yerry. Nakaupo lang sya sa tabi ko sa backseat at tutok sa cellphone.
"Sa bahay nga!" Aniya at pinagpatuloy ang pagtatype sa cellphone nya. Busy'ng busy ang daliri nyang may nail polish na kulay pink sa pagpipipindot.
Sinulyapan ko ang cellphone nya at napagtanto kong may katext sya. Hindi ko na kailangang lakihan ang mata ko dahil nababasa ko agad ang bawat salita doon dahil sa laki ng cellphone ni Yerry.
"Kyle." Basa ko doon sa pangalan na nasa itaas sa kaliwa ng screen ng cp nya. Kyle ang pangalan ng katext nya. May heart pa ang pagkakapangalan dito ni Yerry sa cp nya.
Namumula ang pisngi ni Yerry nang lumingon sa akin sabay tago ng cellphone nya. Hahaha! Huli ka! Mukhang may something.
Nagtagisan ng tingin muna kami ni Yerry habang ako ay may ngisi sa labi. Namumula syang inirapan ako. "Sino si Kyle?" Nanunuyang tanong ko.
Hindi agad sumagot si Yerry. Tumikhim sya. Tumigil ang sasakyan. Lumingon ako sa labas at nakitang nasa tapat na kami ng bahay ni Yerry. Agad bumaba ang katabi ko. Sino ba si Kyle?
Agad din akong bumaba at sinundan si Yerry na pumasok sa bahay nilang may kalakihan.
Nakapunta na ako dito ilang beses pero namamangha pa rin ako tuwing pumapasok dito. Nakwento sa akin ni Yerry na ang daddy at mommy nya ay nasa Thailand nagtatrabaho at umuuwi paminsan minsan. Sya lang mag-isa dito sa bahay nila kasama ang iilang katulong. Kaya siguro halos pink ang mga gamit dito pati na din ang mga dingding nilang light pink ang kulay dahil si Yerry lang ang nandito. Babae at may pagkakikay.
Dire-diretso si Yerry sa kwarto nya kaya't sumunod ako sa kanya.
Alas-kwatro na ng hapon. Bungad sa akin ng malaking relo sa kwarto ni Yerry. Ang background ng malaking bilog na orasan sa kwarto ni Yerry ay ang picture nyang nakangiti at nakadress. Gusto ko din ng ganoon sa kwarto ko.
"Pupunta tayo kina Rachelle." Sabi ni Yerry habang nasa walk-in closet nya at pumipili ng damit.
"Ha? Anong gagawin natin dun?" Lumapit ako sa kanya at pinagmasdan syang mamili ng damit doon. Ang dami nyang magagarang damit. Kinuha niya iyong cocktail dress na plain blue at itinapat sa akin. Umiling at binalik ulit sa paghahanap.
"Birthday nya." Aniya at itinapat muli sa katawan ko ang dress na kulay black at may design na red. "Ito na lang." Aniya at naglakad patungo sa kama nya. Sinundan ko sya. Inilapag nya yong dress sa kama nya.
"Hindi ako invited doon!" Sabi ko sa kanya. Naalala ko iyong pag-aya ni Rachelle sa kanya. Sya lang ang ininvite. At tsaka hindi kami close ni Rachelle para pumunta ako sa birthday nya.