Kabanata IX

17 0 0
                                    

Nakapila na kami sa counter nang may lumapit na dalawang babae kay Ethan.

Hindi na ata nakatiis sa pagsulyap lang.

"Hello." Sabi nung isang nakalugay habang nilalagay sa tenga ang takas nyang buhok.

Tss. Pacute.

Umirap ako sa kawalan.

Nginitian sila ni Ethan kaya halos mangisay sa kilig yung dalawa.

"A-ahm. Pwede po bang magpapicture?" Yung isa naman ang nagsalita habang nagpapacute din.

"Sure." Sagot ni Ethan.

Tumili ang dalawa kaya naagaw ang atensyon ng mga nasa kabilang pila.

Nanlaki ang mata ko nang inabot sa akin nung isa ang kanyang cellphone at sinabing "Ate, picturan mo naman kami. Salamat."

Hindi nya inantay ang sagot ko at tumabi silang dalawa kay Ethan.

"Whole body ha!" Sabi nung isa.

Gusto kong pagmumurahin ang mga babaeng 'yon.

Ginawa pa akong camera man.

Umatras ako ng kaunti para sa 'whole body' daw at pinicturan sila.

"Salamat." Nakangiting saad nung dalawa kay Ethan sabay hablot ng cellphone saakin.

Umalis na yung dalawang babaeng ngiting ngiti habang ako ay busangot.

"Mga bwisit!" Bulong ko dahil sa inis.

Laking pasasalamat ko nang lalaki ang nag-assist sa amin sa counter.

Dahil kung babae paniguradong...

PossibilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon