Kabanata XIII

19 0 0
                                    

Sinabi sa akin ng mommy ni Ethan o si Tita Dana na puntahan ko daw si Ethan sa kwarto nito.

Umalis din agad si Tita Dana dahil may trabaho daw sya.

Mabait ang mommy ni Ethan. Ang daddy nya kaya?

Umakyat ako sa hagdan nilang puti. Bale ang itsura ng bahay nila ay pagpasok mo ng pinto ng bahay ay may main door pa at sa kanan ng main door ay ang hagdan na puti patungong pangalawang palapag.

Mabilis na 'Wah' ulit ang lumabas sa bibig ko dahil sa pagkamangha. Ang lawak ng bahay nila.

Maliliit na hakbang ang ginawa ko habang naglalakad sa parang corridor ng second floor nila. Mukhang mga kwarto lang ang nasa pangalawang palapag. May apat na pinto doon. Dalawang puti, isang pink at isang itim.

Ang sabi ni Tita Dana ay ang itim ang kay Ethan. Yung sa may bandang dulo.

Nang nasa tapat na ako ng pintong iyon ay nagsimula ulit akong kabahan.

Ano na kayang ginagawa nya? Baka paalisin nya lang ako. Kinagat ko ang labi ko.

Nakailang katok ako pero walang sumasagot.

Pinihit ko ang doorknob at hindi iyon naka-lock.

Tiningnan ko ang loob ng kwarto habang ulo ko lamang ang nakasilip.

"E-ethan." Walang sumagot. Maingay sa loob ng kwarto. Nakabukas ang TV.

Pumasok ako. May pahintulot ako ni Tita Dana kaya di naman siguro ako makakasuhan ng tresspassing.

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang lamig sa kwarto nya.

Nakabukas ang ilaw ng kwarto niya pero yung mini-sala lang ang naiilawan. Yung kama ay kaunting liwanag lang ang nandoon.

Naaninag ko si Ethan sa kama nyang itim at balot na balot ng comforter. Yung tipong ulo lang ang nakalabas.

Pinatay ko muna ang TV nya bago dali-daling lumapit kay Ethan.

Idinaop ko ang likod ng palad ko sa noo at leeg nya. Ang init. Nakita ko din ang ilang gamot sa katabing table ng kama nya.

Pawisan sya. Pero ako nilalamig. Sa palagay ko ay nakatodo ang aircon.

Pinagmasdan ko syang kunot noong natutulog. Hanggang pagtulog ba naman? Hindi ganito ang nakita kong Ethan na tulog nung nasa garden. Siguro dahil sa lagnat nya.

Pumunta ako sa CR sa kwarto niya at kumuha ng towel doon at binasa iyon. Nalalanghap ko sa CR ang amoy ni Ethan. Ang bango. Manly ang amoy nito bagay sa pagiging tahimik nya.

PossibilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon