Kabanata XVI

25 0 1
                                    

Hindi pa nagtagal ay umuwi na ang iba. Kaninang umaga pa pala sila nandito. Sinabi ni Rachelle na pwedeng mag-overnight sa kanila.

Hindi ako gaanong pinapansin ni Rachelle. Sanay na ako sa kanya. Buti nga at hindi nya ako iniirapan, dahil na rin siguro sa ayaw nyang ma-bad mood sa birthday nya.

Pinaalam na ako ni Yerry kay Inay na bukas ako uuwi pero ang alam ni Inay ay sa bahay nina Yerry ako tutulog kaya sya pumayag.

Nasa music room na kami ng bahay nina Rachelle. Buntot ng buntot sa akin si Jasper at panay ang tanong ng kung ano-ano. Kinakausap ko naman sya dahil sa busy din iyong si Yerry kay Kyle. Nasa sulok sila at naghaharutan. Hindi ko sya makausap dahil mukhang nagkakaigihan na sila nung si Kyle.

Nakaupo kami ni Jasper sa sofa dito sa music room nina Rachelle. Katapat ay ang parang maliit na stage. May drum set, gitara, piano at mic doon. Nakapwesto na doon sina Dylan at Mark. Si Dylan ay hawak hawak ang gitara at tine-testing ang chords nun.

Ang mukha ni Dylan ay parang palaging bored na bored. Si Mark naman ay palangiti. Ganoon din ang mukhang anghel ngunit may katikasan ang katawan na si Kyle. Si Jasper, ay ang mukhang palaging may masamang balak dahil sa ngisi nya.

Nagtatawan kami ni Jasper dahil sa joke nya nang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang dalawang lalaki. Matagal bago ko nakilalang si Grey iyon at sa likod nya ay ang nakapamulsang si Ethan. Hindi ko pinahalata ang pagkagulat ko nang nakita ko sya. Naka-pants sya at puting v-neck. As usual, mukha pa rin syang modelo. Ganun din si Grey na naka green v-neck shirt.

Natigil ang pagtawa ko nang nabaling ang tingin sa akin ni Ethan. Mukhang wala na syang sakit. Nalipat ang tingin nya sa katabi kong si Jasper na dikit na dikit sa akin. Binalot ako ng kaba. Baka kung anong isipin nya. Lumayo ako ng kaunti kay Jasper dahil sa pag-igting ng panga ni Ethan habang nakatingin sa pwesto namin.

"Ethannn!" Tuwang tuwang lumapit si Rachelle kay Ethan at kumapit sa braso nito. Wala namang reaksyon doon si Ethan.

"Okay, uuwi na ako." Nagtatampong saad ni Grey.

Tumawa si Rachelle. "No! I'm sorry, Grey." Kakilala din pala ni Rachelle si Grey.

Nag-abot ng regalo si Grey. Tiningnan ko ang kamay ni Ethan kung may dala syang regalo pero wala akong nakita.

Napansin ko ang kakaibang ngisi ni Jasper nang makita si Ethan. Sinuklian din ito ng ngisi ni Ethan. Mukhang may kakaibang kidlat sa pagitan nila habang nagtititigan.

Bumaling ang tingin sa akin ni Grey at sa katabi kong si Jasper. Umiling iling sya. Sobrang nagtataka na ako sa mga reaksyon nila. Nagtanguan naman si Dylan at Ethan.

Nag-umpisang tumugtog ang 'Please Me'. Hindi pamilyar sa akin ang tinutugtog nila. Bokalista nila ay si Kyle. Nasa guitars ay si Mark at Dylan. Sa drums ay si Jasper.

"Shet, ang pogi talaga ni Kyle." Impit na tili ang ginawa ni Yerry habang titig na titig kay Kyle.

PossibilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon