Kabanata XVIII

28 2 2
                                    

"Una na ko, Jyn. Bye bye." Paalam ni Yerry bago tumakbo palabas ng room.

Kakatapos lang ng klase at nagsisiuwian na ang iba. Di tulad nila ay pupunta ako ng library para sa gawain ko doon.

Pagkalabas ko ng room ay bumungad sa akin si Ethan na nakapamulsang nakasandal sa katabi ng pinto.

Mariin syang tumingin sa akin ng nakalabas ako ng pinto.

There you go again Ethan.

Napatigil ako pero dumiretso muli sa paglalakad papuntang library.

Sana ay wala masyadong gawin doon. Nang sa ganun ay makauwi na ako para masagutan ko yung assignments sa Math. Madami dami din yun.

Tuloy tuloy akong pumasok sa library at dumiretso sa desk ni Mam Mando.

Naabutan kong may kausap si Mam sa cellphone nya. Binaba din nya iyon agad at dali-daling inayos ang bag nya.

"Jyn, kailangan kong umalis ngayon. A call from my son. Can you check this papers at ikaw muna dito sa library? I really have to go." Mukhang hindi mapakali si Mam Mando kaya dali dali kong inayos ang mga papel sa mesa.

"No, no. Yan ang che-chekan mo." Tiningnan ko iyong mga papel na akala ko ay dadalhin ni Mam. Answer sheets pala iyon.

Binigay ni Mam sa akin ang isa pang librarian's ID at umalis na.

Ako ngayon ang naka-assign sa library.

Pumwesto ako sa inuupuan ni Mam Mando.

Mayroon pang iilang estudyante sa library. May mga nag-aaral talaga at ang iba naman ay tumatambay lang.

Kailangan ko munang antaying wala ng estudyante dito sa library bago ito iwan at i-lock.

Inilapag ko ang bag ko at sinimulang magcheck ng mga papel sa desk.

Napakunot ang noo ko nang hindi ko maintindihan ang sulat sa chine-chekan ko. 'A' ba to o 'B'? Naipukpok ko sa desk ang dulo ng ballpen na hawak ko dahil sa kairitahan.

Napalingon ako nang narinig ko ang pagbukas ng pinto ng library sa pag-aakalang bumalik si Mam Mando.

Lalong ikina-kunot ng noo ko nang si Ethan ang pumasok at tulad kanina ay nakapamulsa muli sya.

Ngayon ko lang sya nakitang pumasok dito sa library.

Manghihiram ba sya ng libro?

Inilibot ni Ethan ang tingin nya bago tumigil ang mata nya sa akin.

Hindi ko alam ang irereact ko.

Ngingiti ba ako? Kakaway? Hindi ko alam.

Sa huli ay yumuko ako at tumingin muli sa mga papel sa harap ko.

Ganto ba ako ka-mahiyain?

Nagsimula muli akong mag-check nang mapansin ko ang papalapit na yabag ni Ethan sa kinauupuan ko. That smell again.

Tinuloy ko ang pagcheck. "6.A 7.C 8.C.."

"You aren't going home yet?"

Ang dapat check na ilalagay ko ay naging guri dahil sa hindi inaasahang boses ni Ethan.

Ang OA mo Jyn. Takte.

Inangat ko ang tingin ko kay Ethan na ngayon ay naka-tagilid na nakatayo.

"Hindi pa. Bakit?" Bakit nga ba nya tinatanong?

PossibilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon