chapter 21

8.3K 145 1
                                    

When A Man Loves A Woman

By:Tink

A happy ending? Sa akin ang fairytales lamang ang may happy ending. Why? Because living together with the one you love is just the start of the journey.

You might lose each other along the way, you might let go of his\her hand, life is temporary..babawiin din tayo ni kamatayan.

~Chapter 21~

" Dont call me babes anymore" seryosong saad ni Sam.

Kunot ang noong napatingin siya sa nagbibihis na Sam.

" What?"

" Kasi Babes ang tawag sa iyo ni Leonard eh, tapos babes din sa atin?" nagmamaktol na parang bata si Sam.

She smiled at lumapit kay Sam. Tinulungan niya itong ibaba ang puting polo shirt nito. At wala sa loob na napahawak siya sa bewang nito.

" Babes, hindi mo alam ang nararamdaman ko, it feels like heaven, yung tawagan namin ni Leonard..ako nag initiate nun, pero iyong sa atin galing sa puso ko."

Napahikbi siya.

" I dont know what is happening but I wanna know. Ang kwento natin, ang buhay natin."

Naramdaman niya ang paghaplos ni Sam sa kanyang pisngi at paghawi ng kanyang buhok . Tracing her scars. Her lips.

" I love you Lian. Lagi mong tatandaan iyan. Till eternity" napapikit siya ng kintalan siya nito ng halik.

Magka hawak kamay silang bumaba sa kusina upang kumain ng breakfast. At hindi niya maiwasan ang mapangiti.

" Babes why are you crying?"

Nakangiti ngunit lumuluha si Sam. She bent to kiss him.

" Babes madami namang bacon saka di kita inagawan bakit naman iyak ka pa?" ngumiti siya ngunit damang dama niya ang saloobin ni Sam.

Tumawa si Sam.

" Babes I love you. Dama ko iyon hindi ko maintindihan pero sa puso ko alam kong tayo, I mean tayo ikaw, ako , yung konektado." 

" Babes..nagiging bakla na ako sa paningin mo, iiyak na naman ako babes. Pero mahal na mahal kita."

" Wow! Tama na nga yan nakakaumay ang sweatness niyo! Pat pahinging plato!"

Binawi niya ang kamay niyang hawak ni Sam ngunit kinuha ulit nito at hinalikan sa harap ni Drew.

" Shit! PDA? Parental Guidance? Patricia nasan ang plato?!" naiirita itong tumingin sa nakatayong dalaga.

She stared at Patricia. God namumutla ito.

Sumenyas ito na hindi alam kung ano ang plato.

" Plate!" pasimple niyang iniangat ang pinggan sa harap niya at tinuro iyon.

Gosh!

Kung ganito kasungit si Drew kawawa si Pat.

" Drew nasan si Dad?" maya maya'y saad ni Sam.

Ramdam niya ang paghaplos ni Sam sa kanyang braso. Kung saan nag init ang kanyang pakiramdam.

" Sam?"

Nakangiti lang ito na tila inieenjoy ang paghaplos sa kanyang braso.

" Babes..please"

Natawa si Sam sabay halik sa tungki ng ilong niya.

" Kasama ni Dad si Truman sa pagvisit kay ate, maya maya pupunta din ako"

Napakunot noo siya. Sinong ate?

When A Man Loves A WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon