Chapter 29

7.4K 130 3
                                    

When A Man Loves A Woman

By: Tink

Tink: selosa ako!ganito ako magselos haha!love ko talaga yung character ni Jillian

~Chapter 29~

Lilipad.

Lumilipad.

Lumipad ang mga unan at mga damit ni Sam sa sahig.

Naghihisterikal na Jillian ang nasa harap nito. Lumuluhang nagdadabog.

" Babes!"

" Dont babes me! Learn to evade my moves!" maging ang nakacharge na BB phone ni Sam ay nabiktima niya.

" Babes" hindi malaman ni Sam kung paano papatahanin si Jillian. Despite of her jealousy he finds her lovable and cute monster. She's expressing her love. Naiinis ito dahil kay Andy.

Sumeryoso si Sam.

Alam niyang sobrang sakit niyon gaya ng nararamdaman niya sa tuwing makikita nitong magkasama sina Jillian at Leonard.

" Babes nasasaktan ka sa ginagawa mo, babes tama na mahal kita."

Tumigil si Jillian sa pagbabato ng mga gamit. She sighed and let her tears flow like a river.

Yumuyugyog ang mga balikat nito.

" Sam.."

Naiiling na lumapit si Sam sa asawa at niyakap ng mahigpit.

" Babes I love you. Im sorry hindi ko nasabi sa iyo I dont want to spoil the moment babes. Ikaw lang sa loob ng labing anim na taon babes."

Sam kissed her.

He wiped her tears.

Pinayapa niya ang nahahapong si Jillian.

" Magtiwala ka sa akin Lian. I love you and I will never let you go."


(And they ..spg na iyon!grabe kayo ha)

.

.

.

.

.

" Ako ba pinagloloko niyo?"

Taas ang kilay ni Andy habang nagpupuyos ang galit sa harap ng mag asawang Montecillo.

Kanina lang nagmukha siyang dilis sa harap ni Jillian. Masahol pa sa sampal ang lahat. Nasa loob sila ng library ng bahay ng mga Montecillo.

For a month siyang nawala at nag eexpect siyang papakasalan siya ni Sam. She risk her money for the company.

Para mapalapit kay Sam at sa pamilya nito.

Kahit anong tutol ng kanyang ama bumili siya ng ten million shares sa Montecillo Gold and Diamond pasasaan din at makukuha niya ang lahat but a nuisance came.

Jillian Rivera? Ano ang ginagawa ng isang assistant ng del Fuego sa bakuran ng mga Montecillo?.

" Relax Andy" anang matandang Montecillo.

Tumawa ng pagak si Andy.

" Relax? Tumaya ako wala akong mapapala? Wala akong mapapala kahit pagmamahal ni Sam? Kung totoo ngang kasal na sila magtutuos tayo. Kayong dalawa, ako at ni Sam. Pare pareho kayong ginamit ako!"

Malungkot na sumandal ang ina ni Sam sa sofa. Hindi nito alam ang gagawin. Its been years.

" Ikaw tita wala ka bang naalala? Yeah its been years sana wala kang amnesia, sa oras na napatunayan kong totoo ang lahat na kasal na si Sam sa babaeng iyon, iwiwithdraw ko ang lahat ng shares ko, hindi makukuha ni Melissa ang mana niya dahil kukunin ko at gagamitin ang galamay ng daddy ko."

When A Man Loves A WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon