Chapter 28

7.2K 146 3
                                    

When A Man Loves A Woman

By: Tink

Chapter 28

" Melissa"

Ayaw imulat ni Melissa ang kanyang mga mata dahil sa pagkakataong iyon boses ng nag iisang lalaking minamahal niya ang kanyang naririnig.

Ang mainit na mga daliri ang humahaplos sa kanyang mga pisngi na halos ikatalon ng kanyang puso. Natatakot siyang gaya ng nakaraang mga taon mga panaginip at imahinasyon lamang niya si Leonard.

" Melissa"

Nag unahang pumatak ang kanyang mga luha.

Leonard showered her with kisses.

" Open your eyes babes"

She opened her eyes at nakangiting mukha ni Leonard ang bumungad sa kanya.

" Dont cry nandito na ako"

Mabilis siyang bumangon at niyakap ng mahigpit si Leonard. Ang taong nasayang sa kanila ay tila sabon na nalusaw.

Everything will fall in place.

Marahang hinagod ni Leonard ang kanyang likod and she knew he ia crying too.

" Im sorry Melissa, kinain ako ng pride ko. Im sorry"

" Mahal kita Leonard please ako ang pakasalan mo, please kami ng anak mo ang piliin mo" nakikiusap na saad niya.

Kung may magagawa siya para sa kanyang anak iyon ay humiling kay Leonard.

Humiling na sana makapiling niya ang mga ito sa mga natitirang oras niya.

Kumalas si Leonard.

" Mahal kita Melissa walang nagbago sa puso ko, mahal kita kayo ni Truman"

Naramdaman niya ang banayad na paghalik sa kanya ni Leonard. Umupo pa ito sa tabi niya. Sa isang maliit na hospital bed.

" Babes dapat sana kagabi ko to ginawa"

Hindi niya namalayan ang pag suot sa kanya ni Leonard ng singsing.

Hindi siya makaimik nakatingin lang siya sa singsing na animoy nakangiti sa kanya.

" Babes me and Jillian are friends now. She talked to me. Tinulungan niya akong pakawalan ang nararamdaman ko. Mahal kita at ikaw ang babaeng papakasalan ko."

Yumakap siya dito. Her tears are unstoppable.

" Salamat Leonard"

Umiiling na hinalikan ni Leonard ang kanyang noo.

" Thanks to you Melissa paulit ulit mo akong pinaglalaban. Kahit paulit ulit kitang sinasaktan. Im sorry."

" Mahal kasi kita Leonard. Mahal na mahal. Ayaw ko pang mawala gusto ko pa kayong makasama."

She felt cheated.

Dahil andito nga si Leonard hindi naman siya nakakasiguro kung mabubuhay siya o hindi. Wala siyang pinanghahawakan.

Nakita niya ang pagkuyom ng mga kamao ni Leonard.

" This is not what I want. Ikakasal tayo at magiging masaya we will not think of that damn CA! I will love and take care of you. Sasamahan kita saan ka man hindi ko hahayaang mawala ka. Please be with me. Please hindi ako aalis sa tabi mo ipangako mo lang na lalaban ka para sa akin at para sa anak natin''

Nanginig ang boses ni Leonard at mahigpit siya nitong niyakap.

" Mahal na mahal kita Melissa"

......................................

When A Man Loves A WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon