Dahil sa pagkastress at pagkabigla ni Mommy kanina ay hinimatay siya pagkadating namin sa ospital kung saan sinugod si Tito Joshua.
Tito Joshua is Mommy's youngest sibling. Si Tito Jeffrey ang panganay nila. They're the Eleazars.
Halos manlambot din ako sa nalamang nangyari sa aking tyuhin. Tumawag si Tito Jeffrey nang malamang inatake sa puso si Tito Joshua. Galing pang trabaho. May sakit na talaga sa puso si Tito Joshua dahil namana niya iyon sa kanilang nanay—ang aming lola. But the news shook us because it's been years since his successful operation.
Hindi ko rin alam ang gagawin ko kanina nang makitang nanghina at nahimatay si Mommy. Hindi ko naman siya nakitang madalas mastress lalo na't nililimitahan nila ang mga sarili mapagod maasyado.
But knowing that whenever it comes to family matters, Mommy gets easily affected by it.
Nilingon ko si Daddy na nasa tabi ni Mommy at nakahawak sa kamay niya at may hawak na rosaryo; nagdadasal. Para kaming naubusan ng enerhiya sa sunod-sunod na mga nangyari.
Ayos naman daw si Mommy sabi ng doktor. Stressed at pagod daw talaga. Tinignan ko si Daddy na taimtim na nagdadasal. Paniguradong hindi muna niya pagtatrabahuhin si Mommy dahil sa nangyaring ito.
The door burst open. Mabilis ang paglingon ko sa pumasok. Kahit ang mga kapatid ko na tahimik lang na nakamasid sa aming mula kanina ay napalingon din. Si Tito Jeffrey kasama ang kaniyang asawa na si Tita Evelyn. Namumula ang mata nilang dalawa at dahan-dahang lumapit sa amin. Bumati kami at nagmano sa kanila.
Tito Jeffrey then went to Mommy. Nakakapanibago silang tignan dahil hindi naman sila nagiging ganito katatahimik at kalulungkot.
Tuwing magkakasama kaming pamilya ay si Tito Jeffrey ang pinakamasiyahin at palabiro. Pero ngayong makita siyang tahimik at nanlulumo, para akong nahahawa.
Laging masaya ang mga Eleazar pero ibang iba ang nangyayari ngayon.
"Ben, kamusta si Ana?" Ani Tito Jeffrey at bahagyang hinaplos ang ulo ni Mommy.
"Stressed daw sabi ng doktor pero maayos na," ani Daddy. Tumango lamang si Tito Jeffrey at nanatiling pinagmamasdan ang kapatid. Para itong naghahanap ng salitang milalabas.
Tumikhim si Daddy at siya na mismo ang nagtanong tungkol sa pinunta namin dito. "Si... Joshua ba, kumusta?"
Ilang sandali bago bumuga ng hangin si Tito Jeffrey at umiling-iling. Maya-maya ay malakas nang humahagulgol.
It was like a punch in the face. My eyes heated the moment I heard Tito's sob. Nakuha ko na agad ang pinaparating.
Tito Joshua's gone. Nicole's father is gone. The Eleazars have lost one of their heirs.
Tahimik lang naming pinapanood si Tito Jeffrey na lumalakas ang paghagulgol. Losing a family member is really the most heartbreaking news for someone who's very close and dear to his family.
Naramdaman ko ang pagkalabit ng kung sino sakin. Nilingon ko si Clea na namumula na rin ang mga mata.
"Napano ba si Tito Joshua?"
Napalabi ako at lalong nanikip ang dibdib. Hindi ko alam kung masasabi ko ba sa kanila ang nangyari dahil hindi ko pa yata iyon kayang tanggapin.
Inilingan ko na lamang ang kapatid at nag-iwas ng tingin. Agad namang nalihis ang atensyon ni Daddy nang gumalaw si Mommy. Unti-unti siyang dumilat at mas maayos na ang lagay. Bahagyang lumuwag ang sikip sa aking dibdib nang makitang gising na ang ina.
"B-ben? S-si Joshua?" gulantang na sabi ni Mommy. Agad naman siyang hinalikan ni Daddy sa noo at inalalayang umupo. Napunta ang tingin ni Mommy kay Tito Jeffrey na humahagulgol pa rin. Mabilis na nagsitulo rin ang mga luha ni Mommy ngunit nangibabaw ang pagtataka.
BINABASA MO ANG
Tangled under the Stars (AS#2) [completed]
RomanceMarch 8, 2021 - June 6, 2021 Can Euna Jane Meija live the happiest again? Walang mahirap na problema sa kaniya o sa madaling salita, wala siyang pinoproblema. Despite being her siblings' most hated person and a parent's pet, she remained unbothere...