"Sa babae lang kasya ang mga ito" malamig na turan ni Oli.
Pasimple kong kinagat ang labi dahil mukhang hindi na naman maganda ang mood ng kaibigan.
"Tapos na" anito nang lumipas ang ilang saglit at hindi pa rin ngumingiti.
Ngumiti naman ako kay Oli para pagaanin ang kaniyang loob.
"Ang ganda, Oli! Thank you! Ikaw naman!" Sabi ko na tahimik lang niyang ikinatango.
Inis na inis talaga siya kay Crane na kahit anong gawin o sabihin nito ay kinaiinisan niya.
But the good thing is, mabilis magbago ang mood niya.
"I really like this one! Sa picture pa lang ay gustong-gusto ko na!" She exclaimed that made me smile.
Ginawa ko ang ginawa niya kanina at hindi naman mahirap lalo na't pinapakat lang 'yon. Kinuha ko na ang glue na pinangpapakat at naglagad ng kaunti doon sa kuko at marahang inilapat sa kuko ni Olivia.
"Napadami yata ang lagay mo ng glue, Eu" komento niya.
Napalabi naman ako at kumunot ang noo.
"Tama naman 'yung sinunod ko ah? Wait, bawasan ko" sabi ko at medyo binawasan 'yon.
Nang mailapat na ang fake nail sa kaniyang kuko at maiayos na ay tsaka ako nakahinga nang maluwat at napangiti.
"Ayos lang?" Tanong ko sa kaniya. Nilapit niya 'yon sa sarili at tumango.
Itinuloy ko 'yon sa mga sumunod pa niyang kuko. I was even pursing my lips habang nagcoconcentrate na inaayos iyon. I was on her pinky when Mommy appeared.
"Euna! Oh! Oli?" Gulat siya ng makita ang kaibigan at lumapit sa amin.
Tumayo rin naman agad si Oli at bumeso kay Mommy.
"Tita! Hi! Kadarating ko lang at hindi ko po kayo nahanap kanina kaya dumeretso na lang ako dito"
Ngumiti si Mommy kay Oli bago kami lingunin ni Crane. Bumaba rin ang tingin niya sa kaliwang kamay kong nilalaro na ni Crane ngayon. I see how she tried to suppress her smile.
"The lunch is ready na. How about you, Oli? Dito ka na rin maglunch?" Anyaya ni Mommy sa kaniya na agad naman niyang pinaunlakan.
Sabay-sabay na kaming bumaba sa dining room. Naroon na ang aking pamilya. Sa dulo ay si Daddy at sa kaliwa naman niya ay pumwesto si Mommy. Sa kanan ni Daddy ay si Clea na katapat ni Mommy. Sa tabi ni Mommy ay si Cleo. Oli sat beside my brother. Tumabi ako kay Oli at sa kanan ko si Crane. That's our sitting arrangement.
We prayed before eating. Pagkatapos noon ay nagserve na ng juice ang mga kasambahay habang kami ay nagsimula nang kumain.
"Nagpamanicure ka, Euna?" Napa-angat ako ng tingin kay Mommy na nasa kuko ko ang tingin.
Ngumiti ako at umiling. "Hindi po. It's detachable po. Tinry lang namin ni Oli 'yung binili niya" sabi ko na ikinatango-tango naman niya at bumaling kay Oli.
"How's your parents, Oli?" Tanong ni Mommy.
"They're fine naman po, Tita. Busy lang sa trabaho. Si Kuya naman ay ganoon din po pero hindi na ganoong kabusy dahil kay Rian" Si Oli.
"Your kuya is a great man. Kinaya niya ang pagiging single father" ani Daddy.
Tumango si Oli at ngumiti. "He really makes time for Rian talaga. Kuya's vsry responsiblr. Kaya nga po crush na crush ni..." Nakangising bumaling sa akin si Oli.
Agad na nanlaki ang mata ko at namumula ang pisnging binalingan siya. Why does she have to expose me like that!
"Iniyakan pa nga niya noong nalaman na may anak ang kuya mo, Oli" nakisali si Mommy sa pang-aasar.
BINABASA MO ANG
Tangled under the Stars (AS#2) [completed]
RomanceMarch 8, 2021 - June 6, 2021 Can Euna Jane Meija live the happiest again? Walang mahirap na problema sa kaniya o sa madaling salita, wala siyang pinoproblema. Despite being her siblings' most hated person and a parent's pet, she remained unbothere...