Umuwi naman kami sa bahay pagkatapos noon. Sa kwarto ako nagpalipas ng oras at inayos ang mga gamit. Nagpatugtog na rin ako para hindi gaanong nakakaantok ang katahimikan. Masyado na rin akong nag-enjoy sa pag-aayos at nakalinis ko ang buong kwarto! Pati ang mga nasa study table ko na kaunting gamit ay naalis ko na rin. Lahat pala talaga ng gamit ko ay naiuwi nila Ate Pia.
Dahil pawisan ay naligo agad ako at nagpalit ng pantulog. Nagto-toothbrush ako nang tumunog ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nang makitang si Crane iyon ay agad akong nagmumog at nagpunas.
"Hello" pagkasagot ko.
"Matutulog ka na ba?" Aniya sa kabilang linya.
"Kaliligo ko lang" sagot ko habang inaayos ang sarili sa higaan.
Nang makaayos naman ay napabuntong hininga ako. Binalot kami ng katahimikan at ang aming mga hininga lang ang aming naririnig.
"Crane" tawag ko makalipas ang ilang minuto.
"Hmm?" He hummed in reply.
"Are you okay? Ayos na ba... sila Tita?" I bit my lips after I said that.
I am concerned about him because I still care. At ang nangyayari sa kanila ngayon ay hindi madali para sa kanila. It's their parents who are on the verge of divorce.
He sighed. "Hindi. Pero nagkausap na sila Mama at Papa. He made sure about it. Na... hindi sa kaniya ang..." Hindi niya naituloy ang sinasabi. Siguro'y akala niya'y hindi ko pa alam.
"I already knew about it, Crane." Sabi ko. Narinig ko naman ang mumunting hininga niya bago magsalita ulit.
"You have your cousins to comfort you, right? I'm sorry I'm not there.."
"Hindi mo kailangan, Euna. I can't blame if you hated me for hurting you. Pero sinasabi ko na hindi ko ginustong masaktan ka. Hinding-hindi.." pagsusumamo niya.
Malungkot akong napangiti. How can I still doubt this man?
"Nabanggit sa akin ni Daddy ang tungkol sa... kumpanya niyo."
Sabay kaming natahimik doon. May isusunod sana ako pero inunahan niya ako.
"I didn't accept their offer. I will not marry for convenience" he said, as if he read what I want to convey.
There, he already said it but I still need the assurance that's it's true.
"Alin? Santiago o Layno?" Hindi ko maiwasang sabihin ang napag-usapan namin ni Daddy kanina.
"Both" sagot niya.
Bakit kaya? Ayaw niya ba? O dahil ako pa rin ang gusto niya?
Napakagat ako ng labi at pilit na sumeryoso. Nahihirapan na nga ang tao, kung ano-ano pa ang iniisip mo, Euna Jane!
"Why?" Tanong ko.
"I love someone right now, baka isipin niya niloloko ko pa siya" aniya na ikinapula ng pisngi ko.
"Hmm, talaga?" I said softly.
"Yes" he breathed.
He then asked how was my summer was. Ikinwento ko naman sa kaniya. Ang mga ginawa namin roon, sila Lolo at Lola, ang lugar, ang nangyari sa'kin...
"Magtatagal ba kayo?" Tanong niya.
"Pinag-iisipan pa namin kung doon na kami magse-settle" mahina kong sabi. I heard him sighed heavily.
"Are you free tomorrow?"
"Uuwi rin yata kami bukas" sagot ko.
'Yon ang alam ko dahil 'yon din ang sabi ni Daddy. Mukhang sasama rin ako sa kumpanya bukas dahil may ichecheck siya muna bago kami umalis.
BINABASA MO ANG
Tangled under the Stars (AS#2) [completed]
RomansMarch 8, 2021 - June 6, 2021 Can Euna Jane Meija live the happiest again? Walang mahirap na problema sa kaniya o sa madaling salita, wala siyang pinoproblema. Despite being her siblings' most hated person and a parent's pet, she remained unbothere...