39

69 7 0
                                    

Pagkabalik namin kila Lola ay nakaabang na ang dalawa kong kapatid na nakasimangot. Parehas silang nasa duyan sa ilalim ng puno sa harap ng mansyon.

"Bakit hindi ka nagsabing uuwi ka, Ate!" Si Cleo na bumaba na ng duyan at nagtungo sa akin. Sinulyapan ko ang kapatid na babaeng nanatili lang ang seryosong tingin sa akin.

"Biglaan din" sabi ko at nagtungo sa loob para makapagpahinga. Sumunod din sila sa akin.

"How was your visit to the company? You liked it?" Si Mommy.

Tipid akong ngumiti at umupo sa stool. Tanghalian na rin kaya nagluluto na siya.

"Your employees are nice" sabi ko na habang pinagmamasdan siya sa paghihiwa.

"Sina Kevin?"

Natawa ako at tinanguan siya. Sinulyapan ang niluluto. Sinigang na baboy yata ang iluluto niya.

"Sila Lolo at Lola?" Tanong ko nang mapansing wala sila roon.

"Nagpapaani doon sa duluhan"

Nang makapahinga na ay tinulungan ko na si Mommy sa pagluluto. Tinawag na rin ang mga kapatid at sila Daddy para magtanghalian.

"They were bored without you" si Mommy habang naglalagay ng kanin sa plato. Inasar ko ng tingin ang nga kapatid.

"Wala kasi kaming mabwisit" sagot ni Clea at sumubo.

"Ang tamad ng dalawang 'to. Wala akong mautusan!" Si Mommy.

"Dapat tinakot mo na dito na sila titira" pangungutya ni Daddy.

"Ha! Hindi kami rito titira dahil hindi rin naman dito magsesettle si Ate" ani Cleo na para bang hindi siya maiisahan nila mommy. Napabaling naman sa akin si Mommy.

"You've made up your mind?" Aniya at mataman akong tinignan.

Kahit na gusto ko rito dahil tahimik, alam kong maraming magbabago at kailangang mag-adjust. Hindi rin naman pwedeng nakahiwalay ako sa pamilya at dito mag-aaral. May trabaho sila Mommy at isang taon na lang din ako.

"It's more convenient there, Mom. Isang taon na lang din naman ako" sabi ko na ikinatango lang niya.

Sumulyap naman ako kay Daddy na naninimbang lang din ang tingin sa akin. Iniisip na naman nito si Crane!

Umuwi rin kami sa amin nang matapos ang bakasyon. Sila Lola ay nagtampo pa dahil hindi raw kami doon mag-aaral. We explained everything naman and they promised that they will visit us too.

Dahil mga pagod sa biyahe ay hindi na kami nakapagdinner at diretso tulog. Maaga akong nagising dahil hindi naman ako ganoon kapagod maghapon kaya nagpasya akong magjogging sa loob ng village namin.

Wearing a proper jogging attire, I went out our house. Nagsuot na rin ako ng ear pods at nagpatugtog para hindi gaanong katahimik. Sa village kasi namin ay mostly mga businessmen, at iba pang matatandang tao ang nakatira. Madalang lang yata akong makakita ng kaedaran ko o mga bata.

Nang makarating sa park ay may iilang matatanda rin ang naroon. Ang iba'y nagpapahinga, at ang iba naman ay nags-stretching. Nagpahinga ako sa isang bench at uninom ng tubig. Umaangat na rin ang araw kaya medyo umiinit na.

"Architect Meija's first born?" Napataas ako ng tingin at tinanggal ang ear pods na nakapasak sa tainga nang may magsalita sa harap ko.

Dalawang matanda na medyo kaedaran nila Mommy ang nasa harap ko. Tumayo ako bilang respeto.

"Good morning po, ako nga po 'yon" bati ko sa kanila. Ngumiti naman sila sa akin.

"Ang ganda-ganda mo pala talaga! Kaibigan kami ng Mommy at Daddy mo" anang nakapink na racer back.

Tangled under the Stars (AS#2) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon