43

86 5 2
                                    

Kahit papano ay napagaan ng dalawa ang pakiramdam ko. Lalo na si Leticia. She's very bubbly and talkative. Lahat ng bagay ay napapansin niya at sobrang sigla niya.

Nang magpasya akong umuwi na ay naiwan muna sila doon. May pupuntahan pa yata sila. Nagpasundo ako at nang makauwi ay naroon na ang mga pinsan ko. Nicole's the only one who went to me. My two other cousins are busy with their phones. Ang mga anak ni Tito Jeffrey.

"Happy birthday, Ate." sabay bigay sa akin ni Nicole ng isang parisukat na box.

I thanked her and she went to Cleo. Nagbigay na rin ang iba kong pinsan na kaedaran at nakatatanda. Nang pumasok ako sa kusina ay nagulat ako nang makitang naroon si Tita Cristina, kausap si Mommy.

"Tita! Buti nakapunta kayo" natuwa naman ako dahil ito ang unang beses na pumunta siya sa pagtitipon!

"Hindi na...busy" aniya at inilahad sa akin ang isang sobreng pula. Tinanggap ko naman at binirong hindi pa naman pasko.

Nakihalo na ako sa iba kong pinsan. Fatima is just the same age as me and she's already 7 months pregnant with their second son. Kasama ang asawa. Nagkamustahan at batian.

"Ang layo naman kasi ng puwesto mo eh" sabi ko. We're talking about her pastry business.

"Maganda kasi talaga sa Manila" aniya.

"How about Kuya Jerson? Huli naming kita ay noong debut ko pa yata!"

"He's busy with his family. Pero uuwi sila this Christmas"

Nang maggabi ay nagsipwesto na kami sa dining table. Fatima baked me a cake pala and it's my favorite! Black forest.

The whole dinner went well and full of laughter. Even if it's just a simple celebration, I'm glad that we're almost complete.

At nagtagumpay din si Cleo na dito patulugin si Nicole. Kahit na may pasok kinabukasan. They already have classes and mine will start next week.

Dahil sa pagod ay nauna na akong umakyat sa kwarto at naiwan naman ang matatanda para uminom at magkwentuhan. After I showered, I checked my messages from my blockmates in our group chat. They greeted me and I thanked them back. I was a bit surprised to see Kuya Gab's name there.

Hans Gabriel F. Alfanta
Happy birthday. May handa ka pa ba?

Natawa ako at nagreply.

Me:
Thank you! Oo meron pa haha.

Hans Gabriel F. Alfanta
Salamat pupunta na kami.

Kami?

Napalunok ako nang marealize ang sinabi niya. Siguro ang iba niyang pinsan ang tinutukoy niya?

After replying to all the birthday greetings, I turned off my phone. Sakto rin na may kumatok.

"Ate, nandito sila Kuya Crane" boses ni Cleo sa kabila.

Napatayo ako at nagmamadaling nag-ayos ng sarili. I checked if wearing a pajama is okay and I think it's okay? Sila lang naman 'yon!

Bumaba ako pagkatapos at nasa sala pa rin ang iba kong mga pinsan na bata. They're playing something on our TV.

Lumabas ako ng bahay at nanlaki ang mata ko nang makitang narito silang lahat! Some are even holding balloons and cake?

Lumapit ako sa kanila at pinabukas sa guard ang gate. Bumungad sa harap si Crane. He's holding a bouquet and the others are holding a lot of balloons. Hindi ko mawari ang magiging reaksyon ko sa gulat sa kanila.

"Euna! Hi!" Nilingon ko si Leticia na may hawak din na lobo sa tabi ni Lomi. I smiled at her and went back to the person in front of me.

"Sure ka bang may handa pa, Euna? Hindi kami naghapunan ah!" Si Kuya Gab.

Tangled under the Stars (AS#2) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon