32

76 5 10
                                    

"Kami na ang bahala, Euna. Maraming salamat." Si Tito Andrew.

Apat na araw na ako dito sa ospital dahil hindi ko kayang iwan si Oli. Gusto ko kapag nagising siya, nasa tabi niya ako.

Nagpakuha rin ako ng mga damit noon kay Ate Pia pero ngayon ay pinapauwi muna ako nila Tita. Magpahinga raw muna ako dahil wala rin akong tulog halos. At kanina, ay nahimatay ako dahil siguro sa kulang sa tulog at sa sobrang pagod.

Tumango na lamang ako at nagpaalam. Sumama na ako kay Kuya Oliver dahil siya ang maghahatid sa akin. Tito Andrew insisted na si Kuya Oliver ang maghatid. They're traumatized and worried.

"Ayos lang ba kayo ng boyfriend mo?" Ani Kuya nang makarating na kami sa bahay namin.

Lumingon muna ako sa bahay at nakitang patay na ang mga ilaw. Tulog na siguro 'yon. Anong oras na rin kasi.

"Oo naman..." sabi ko kahit hindi sigurado.

Crane and I lost contact for the past few days. I was busy with Oli and I wasn't myself lately. Kaya hindi ko rin napapansin.

But I'm kinda worried why Crane hasn't visited me lately. Ang huli naming pagkikita ay noong bumisita silang lahat. At mula noon, wala na akong naging balita sa kaniya o kahit kanino sa kanila.

Sinasabi ko sa sarili na baka busy.

Pero nakakatampo. Dahil hindi niya man lang ako nabisita or tawagan. Or kahit text lang din. I know he understands that I want to be with Oli until she wakes up. And I know him too that he doesn't have any update about me.

Ayaw niyang hindi niya alam ang ginagawa ko o nasaan ako. Ni pati nga sa tabi niya ay ayaw niya akong paalisin at ngayon hindi kami masyadong nagkikita, namimiss ko siya.

Pero bakit parang hindi niya ako miss? Hindi niya ako binibisita o kinausap man lang.

Kung busy siya, wala bang oras o pahinga? Kahit text lang?

"Sige, Kuya. Salamat sa paghatid!"

Lumabas ako ng sasakyan. Narinig ko rin siyang lumabas kaya nilingon ko muna siya.

Nasa bahay ang tingin niya at matagal bago lumingon sa akin. Nakapamulsa siya.

He sighed. "Sana magising na siya"

I smiled. "Let's be positive kuya. Gagaling si Oli at magigising din siya. Tiwala lang" sabi ko kahit na nagbabadya ang pagbigay.

"Salamat" aniya at yumuko para yakapin ako. Yumakap na rin ako at tinapik ang likod niya.

Pumasok na rin ako ng bahay nang umalis si Kuya Oliver. Dahil sa pagod ay sa sofa ko na lamang naiwan ang mga gamit ko.

I hate to admit that I'm at fault too. Hindi rin ako gumagawa ng paraan para makita si Crane. Matext o matawagan man siya kaya babawi ako. Kahit pagod ay babawi ako.

Biglang nawala ang pagod ko nang makarating ako sa taas at inisip kung anong pwede kong gawin.

Should I kiss him? Ako ang mangunguna! I'm sure he'll like that and will tease me but I won't complain. I will enjoy the days I've missed being with him.

Pero agad na napawi ang tuwa ko nang makita ang lumabas ng kwarto niya. Magulo ang buhok, suot ang pamilyar na damit ni Crane, at walang pang-ibaba, ngumisi sa akin si Coleen.

Hindi ko alam kung ano ang pagtutuonan ko ng pansin. Ang puso kong nadurog o ang nakakalokong ngisi ng babaeng nasa harap ko ngayon.

Iba't ibang klaseng scenario ang naglalaro sa isip ko na ayaw kong paniwalaan. Pinilit kong hindi mag-isip nang masama kahit nasa harap ko na.

Tangled under the Stars (AS#2) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon