28

75 5 0
                                    

"Sana makausap ko na siya"

Napabuntong hininga ako habang iniisip ang maaaring mangyari bukas. Pupunta ako sa garden namin dahil sigurado akong naroon siya dahil doon namin binabati ang isa't isa sa aming mga birthday.

I miss my bestfriend, really. Ilang buwan na rin kaming hindi nagkakausap. Kahit anong pagpupumilit ko na kausapin siya, lalo lang siyang umiiwas. Hindi ako sanay. Hindi ako sanay na ganoon siya. Ni hindi lumalaki nang ganito ang away namin. Ngayon lang nangyari ito kaya ang gusto ko ay magkaayos na kami agad.

"Umaga ka ba aalis?" Ani Crane habang nilalaro ang daliri ko.

Nakahilig ako sa kaniya at nasa sofa kami. Nananood ng documentaries. Kagagaling lang din namin sa family dinner nila to celebrate his 22nd birthday. It's March 9 today.

Tumango ako. "Oo. Kay Ate Pia na ako magpapasama. You know Oli, baka hindi kami magkausap kapag naroon ka..."

Napalabi ako nang mapagtanto ang sinabi. Pero... alam naman niya iyon.

Bago pa ako makapagsalita ulit ay nauna na siya.

"Ako lang talaga ang dahilan ng pag-aaway niyo..."

"Crane..." napa-angat ako at hindi nagustuhan ang kaniyang tono.

"Ako man ang dahilan pero hindi kita papakawalan, Euna. Not today, nor tomorrow. Never, Euna..." he said softly, making me blush and hugged him sideways.

Crane always assures me that he loves me and will never leave me. Kaya nawala na rin ang pagdududa ko sa kanila ni Coleen. I feel guilty because I think of them like that. Baka talagang matalik lang silang magkaibigan. Hindi ko lang talaga nagustuhan ang tinginan nila noon kaya baka guni-guni ko lang iyon.

Gusto ko lang kasi na sa akin siya tumitingin nang ganoon. Call me selfish but I only want him for me.

"Hindi ko na 'to makakalimutan..." narinig kong bulong ni Crane na ikinabaling ko sa kaniya. Nakahawak pa rin siya sa mga daliri ko.

"Ano iyon?"

Agad siyang napatingin sa akin at napa-awang ang labi.

"Nothing. Ang ganda mo" aniya at hinalikan pa ang ilong ko.

Ngumuso lang ako at tinuon ang atensyon sa TV.

Kinabukasan ay maaga akong nagtungo sa garden namin. Kasama sina Ate Pia at ilang bodyguard pero tulad ng dati, sa labas lang sila. I texted Oli na pupunta ako sa garden at binati na rin siya. She didn't reply but I know she will come.

I also bought our favorite fruit salad at tinanggal ko na rin ang mga mangga sa kaniya. Bumili na rin maliit na red velvet cake. I sat on the swing. Nakatali iyon sa isang malaking sanga na madalas naming tambayan.

It was a lovely morning. Birds were happily chirping and the rustling of leaves from the southern winds makes me calm. Kaya hilig namin ni Oli dito. Nawawawala ang stress naming dalawa at ano mang alalahanin. Kaya naman patuloy lang namin itong pupunuin ng masasayang ala-ala.

Nalingon ako sa lote kung saan nakatayo ang dating lumang bahay. Isa na lamang iyong damuhan.

When we told mommy about this place, pati ang bahay ay hindi niya alam kung kanino. Last year lang din tinanggal ang bahay na luma roon. Maganda pa naman iyon. Isang ancestral house na matagal nang walang nakatira.

Nakarinig ako ng mga inaapakang tuyong dahon. Sanhi para mapatayo ako at lingunin 'yon. Namutawi agad ang ngiti ko at mabilis na nilapitan ang babaeng miss na miss ko na.

"Happy birthday, Oli!" Sabi ko at niyakap siya.

Yumakap din siya pabalik. Lalo akong nangiti. I miss my best friend! Hihiwalay sana ako nang humigpit lamang ang yakap niya sa akin at unti-unting naramdaman ang pagbabasa ng aking balikat.

Tangled under the Stars (AS#2) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon