50

115 6 8
                                    

"Ate! Wake up! Someone's waiting for you!"

Nahilo ako sa pagyugyog ni Cleo sa akin. Napa-upo ako at nagkusot ng mata. Ang aga-agang mambulabog nito!

"Cleo, wag kang malikot, nahihilo ako..." sabi ko at hinawakan ang braso niya. He chuckled.

"Mawawala 'yang hilo mo kapag nalaman mo kung sinong nag-iintay sayo!" Aniya at bumaba sa kama ko.

Naghikab ako at sinulyapan ang orasan. It's 10 already? Ganoon ba ako napuyat kagabi?

It's been a month since Crane started courting me, officially. Without hindrances, without pressure. Just us, enjoying our college life with friends and family. Even our friends, thought that we're already together.

Kahit sino naman pa lang makakita dahil hindi talaga nawala ang pahiging malandi ni Crane. Sa kanilang magpipinsan, he's the last person I thought that would flirt with me in front of many people.

"Ate! Nasa'n ka na ba?! Oh my gosh, fhe flowers are so pretty!" Biglang sumulpot ang kapatid kong babae sa pintuan. Naguluhan ako.

"Flowers what?"

Tumayo ako at nagtungo sa banyo para ayusin ang sarili. Sumunod sa akin ang kapatid habang naghihilamos ako.

"Kuya Crane's downstairs! Ayain ka daw magdate?"

Nataranta naman ako sa hapdi ng mata dahil sa biglaan kong pagdilat. Tinapos ko agad aking pag-aayos at huminga nang malalim.

Wala siyang sinabing lalabas kami ngayon. Actually, this is our first date after everything. He may be courting me but he hasn't yet asked me out. Puro lang siya paglalandi lalo na kapag kasama ang mga pinsan niyang may mga girlfriend din. Ayaw nagpapatalo.

At ngayon ay aayain na niya ako. And glancing at the calendar, it's August 28! As far as I remember, today is when we were announced that we will be tied and live together.

Nang maayos ang sarili ay sandali akong bumaba para tignan siya. Nasa sala siya at kausap na si Cleo. And there's a huge bouquet of red roses on the coffee table! Napunta sa akin ang tingin niya nang nasa huling hakbang na ako ng hagdan. Tumayo siya at ngumiti nang maliit sa akin.

He's wearing his favorite style of blue knitted cardigan and white shirt inside. He looks like those comfy babies that you won't hesitate to hug them.

"Good morning" bati niya. Sumulyap ako sa kapatid na kabulungan na ang ate niya.

"Good morning, h-hindi mo sinabing lalabas tayo? Nalate ako ng gising..."

"It's a surprise, actually." Aniya at kinuha ang bulaklak sa mesa. Agad na namula ang pisngi ko at hindi maiwasang mapanguso sa binigay niya.

"T-this is big" I chuckled. "Thank you" inangatan ko siya ng tingin at nakitang may maliit lang na ngiti sa labi ag namumungay ang matang tumango.

"Pwede ba kitang maayang lumabas?" aniya.

My siblings squealed. Nilingon ko si Clea ay nagvivideo na. Si Cleo at nagpipigil ng tawa.

"You're so formal, Crane. Of course you can" sabi ko na ikinatango ulit niya. Nasa akin lang ang tingin.

"M-maiwan muna kita dyan? Mag-aayos lang ako." Sabi ko at niyakap ang hawak. Pasimple ko pa 'yon inamoy at humalimuyak agad ang mabangong pabango na iligay siguro dito.

"I can wait" aniya at umupo sa sofa.

Iniwan ko na sila doon. Hindi ko yata kakayanin ang masyadong pamumula ng pisngi ko dahil sa pag-aaya niya! Ang formal pa na akala mo ay hindi siya!

Tangled under the Stars (AS#2) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon