44

80 3 0
                                    

"Madalas kong makita 'yung babaeng madaldal" ang kapatid ko na nagrarant na tungkol sa kaniyang klase.

Dalawang linggo na ang lumipas ng pasok namin at ngayon lang ulit kami nakapagbonding. We're at Taste of Hans.

Magaan din ang pakiramdam ko ngayong mga nakaraan. I'm enjoying my life as a last year student and sometimes hang out with colleagues.

Crane and I are friends. Just like normal friends and classmates. Sabay minsan magrecess at minsan ay groupmates pa kung may report or project. Pero ngayon, naghahanda kami for our OJT.

Ang mga pinsan niya na minsan kong nakakasama ay akala lagi ay kami na. Hindi na lang namin 'yon sinasagot dahil mukhang doon naman sila masaya.

And now, we're groupmates in one of our research in our major subject. Last requirement bago OJT.

"Leticia? She's nice." Sabi ko at humigop sa inumin. Ngumiwi siya at napalingon sa pumasok sa café. Just some random students.

"She's so noisy. Hindi ko alam kung paano siya natitiis ni Ayessa" aniya at tila ba'y inalala ang pag-iingay ni Leticia.

"They're bestfriends" kibit-balikat ko.

"Ria's also Ayessa's bestfriend" banggit niya sa kaibigan ni Maye.

"Well, her both bestfriends?" Sabi ko at nalilito sa sinasabi ng kapatid.

Umismid lang siya at uminom sa inumin. "Pwede pa lang pumasok ang buntis..." bulong niya ngunit nakarating sa akin 'yon

Napatakip ako ng bibig at bahagyang lumapit sa kaniya. "Sino?!" Bulong ko.

Tumaas ang isa niyang kilay. "Ria. She looks pregnant to me... madalas sila sa pavillion" aniya na para bang wala lang 'yon.

"She doesn't look like to me... noong nakita ko silang nagja-jogging ay ang sexy niya..."

Inalala ko ang itsura noong kaibigan ni Maye. She's wearing fitted outfit noon at imposibleng hindi ko 'yon nakita.

"Baka ilang months or weeks pa lang. But she looks pregnant to me" aniya.

"How?"

"She's picky to her food. At vitamins siyang iniinom."

Napaisip ako doon. Grade 11? She's probably 17 or 18... well hindi ko naman siya mahuhusghan. Maybe something happened or namali lang si Clea? Well, it's not my story to tell.

Kinabukasan ay nagtipon-tipon agad kaming magkakagrupo para pag-usapan ang mangyayari sa aming last paper. Hindi basta-basta 'yon magagawa at kailangan nang matagal na preparasyon at mas magandang simulan 'to nang maaga.

"Ah, Euna? Dala mo ba laptop mo?" Ani Maya, leader namin. Tumango ako at kinuha 'yon sa bag ko.

"Iyan muna gamitin natin. Naiwan ko pala charger ko eh. Sorry" aniya na ikinatango ko lang at binigay ang laptop sa kaniya.

Dahil medyo magkalayo kami ay inalalayan pa 'yon ni Crane. Nagdikit pa ang balat namin at kala mo'y bago sa akin 'yon, I felt electrified by it.

"Ayos lang" sabi ko at sinulyapan si Crane na biglang nag-iwas ng tingin sa akin.

Pinagpatuloy namin ang ginagawa. Minsan ay napapansin ko pa ang mga naninimbang na mga tingin ng mga kaklase kapag nag-uusap kami ni Crane. Hindi ko na lang pinansin at baka tumitingin lang talaga sila.

"Anong gusto mo? Ako na lang ang bibili para hindi ka na pumila" si Crane nang pumasok kami sa canteen kasama ang ibang kaklase.

"Tuna sandwich lang. May dala na akong inumin" sabi ko. Nanatili pa nang ilang sandali ang tingin niya bago tumango at umalis.

Tangled under the Stars (AS#2) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon