6

103 8 12
                                    

"Ano ba 'yang asawa mo, Eu! Hindi ba hihiwalay sa'yo?"

For the nth time, Oli whined like a kid. Binaba ko ang librong binabasa at bahagyang ginalaw ang salamin na suot.

Nakita ko pa ang pagtapon niya ng masamang tingin sa lalaking katabi ko ngayon na tahimik lang na nagbabasa ng kaniyang libro. In front of me is Oli.

Nagsalubong ang kilay ko. "Wala naman siyang ginagawa ah? Look, huwag ka na lang mabother" sabi ko at binigyan ang kaibigan ng assuring smile.

Sumimangot siya lalo at umirap na.

"Paano akong hindi maba-bother eh ni hindi man lang lumayo sa atin!" Inis niyang bulong na akala mo'y hindi naririnig ni Crane 'yon.

But like what Crane has been doing, he doesn't care or meddle with us. He lets us do our thing and he does his.

"Ang sama pa ng tingin sa akin!" Pagmumuryot muli ni Oli na ikina-iling ko na lamang.

"Ganiyan lang talaga 'yan" sabi ko na akala mo'y kilala ko na talaga siya.

Sumulyap ako kay Crane at saktong sumulyap din siya sa akin. Namula na naman ako at tinago na lamang 'yon sa pagngiti sa kaniya.

"Bored ka?" Tanong ko. Binasa lang niya ang labi at umiling.

Tumango naman ako at hinintay siyang ibaling ang mata sa libro ngunit hindi niya ginawa. Ngumuso ako at ako na lang ang nag-iwas para hindi na niya ako maasar pa kung sakali. Bumalik ako kay Oli na nilalabas pa rin ang frustration niya sa pagiging madikit ni Crane sa akin.

Natigil naman siya nang ibahin ko ang topic. Pinag-usapan namin ang magiging test mamaya.

I don't know why but Oli obviously doesn't like Crane. Hindi naman niya sinasabing ayaw niya rito but her actions and words says otherwise. Lagi pa siyang nagrereklamo na hindi na raw ito umalis sa tabi ko.

It's just the first day of us being together.

"Uh, Crane" tawag ko sa kaniya nang makapasok sa bahay noong mag-uwian.

Nilingon niya ako at kinuha ang aking gamit sa akin. Nilagay niya 'yon sa center table at humilata na sa sofa.

"Pasensya na kay Oli, ha?" Sabi ko at umupo sa tabi niya.

Gumalaw ang kilay niya at tumagilid ang ulong bahagyang nakaangat mula sa pagkakahiga sa arm rest ng sofa.

Ayan na naman siya sa malalim niyang paninitig...

"Bakit?" Aniya.

I pursed my lips. "Um, sa pagrereklamo niya na lagi ka naming kasama" mahina kong sabi.

Inihiga na ulit niya ang ulo at nawalan ng interes sa kung ano mang tungkol iyon.

"You can do whatever you both want, hindi ko kayo pakikialaman." Aniya lang at tinawag si Mira para magpakuha ng mamemeryenda.

I smiled silently. See? Ayos naman siya. Hindi ko lang alam kung bakit inis sa kaniya si Oli.

"Ayos lang naman sa amin 'yon pero sa'yo ba? Baka kasi nabobored ka kasama kami lalo na't puro girl stuffs ang pinag-uusapan namin" sabi ko at komportableng iniangat ang paa sa sofa.

I saw him looked at my position. Inangat na niya ang katawan at itinukod ang isang kamay sa likod. Ang isang paa at nakaangat habang ay isa ay nakalaglag sa sahig.

"Wala akong ibang pinagkakaabalahan kaya mas mabuting bantayan na lang kita" aniya at bumaba ang tingin sa aking hita.

Aalma pa sana ako na hindi naman ako loko-loko para gumawa ng kolokohan nang bigla niyang ayusin ang palda ko na nalilihis sa paggalaw ko.

Tangled under the Stars (AS#2) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon