Masasamang tingin ang binibigay ko kay Crane hanggang makauwi kami. Hindi ko rin siya pinapansin at ganoon din siya pero may pang-aasar ang tingin. Siguro'y nalaman niyang nalaman ko na ang ibig sabihin!
I really thought it was a dance or something! Hindi ko naman alam na gano'n 'yon. Sitting on his lap? Humping sensually? What?
Hanggang sa makapagbihis ay hindi kami nagpapansinan. Nakakainis kasi! Tapos si Oli, kung ano ano na ang sinasabi sa akin! At naungkat na naman ang issue niya kay Crane. Sinumbatan niya pa ako na baka raw ginagawa na namin 'yon nang hindi pa kasal. I was a bit guilty but we're just kissing! It's normal...
Pagkalabas ko sa kwarto ay sakto rin siyang lumabas. Sinamaan ko agad siya ng tingin. Akala mo nakalimutan ko ah?
"What?" Inosente niyang tanong.
Bumaba lang ako sa sala at humilata roon. Sumunod si Crane. Tumabi sa akin at ipinatong ang kamay sa likod ng ulo ko.
Nakahalukipkip naman ako at masama pa rin ang tingin na iginagawad sa kaniya. He smirked.
"Turuan na kita. Come here" aniya at tinapik ang hita.
Inis akong napasinghap. "Nakakainis ka! Alam ko na 'yon! Ayaw ko nga!" Sabi ko at hinampas siya.
"What? I thought you want me to teach you-"
"Napaka mo! Kapag tayong dalawa lang, kung ano-ano na ang iniisip mo"
Tumaas ang dalawa niyang kilay at natawa sa sinabi ko.
"It's normal, Euna. Ang ganda mo pa naman lalo kapag namumula" aniya at hinawakan ang mukha ko.
Iniwas ko 'yon kahit na nangunahan na naman ako ng matinding pamumula.
He just said it casually but it affects me so much! Well, it was so sudden naman kasi! Anyone would react that way at ang landi pa!
"At pumayag ka naman, 'di ba? Gusto mo pa nga eh" patuloy niya. Lalo lang akong namula dahil sa naalala.
Ugh. Stop thinking about it, Euna! Isipin pa niyang baliw na baliw ka sa kaniya!
I just made a face and took out my phone. Nagsearch ako online ng pinakamalapit na yoga center. Mayroon akong nakita at 30 minutes drive from home. Nagpaschedule agad ako the next day. After class at tuwing weekend ay umaga. I want to relax my brain for a while dahil malapit na rin ang exams at matatambakan kami ng school works for sure.
Si Crane naman ay sumang-ayon lang. Hindi rin naman niya hilig at tinatamad siya. He's a lazy ass. Manonood na lang daw siya.
Inaya ko si Oli pero may practice pa raw siya. Pero dahil gusto niya talagang sumama, hindi muna siya nagpractice. Kaya naman na raw niya at paulit-ulit lang din ang ginagawa. Hinayaan ko na lang din siya at sumama sa pauwi sa amin. Hindi ko rin naman siya mapipigilan.
Nauna sa sasakyan si Crane dahil nagbihis pa kami. Pagkabihis ay agad naman kaming lumabas. Papasok na sana ako sa sasakyan nang pigilan ako ni Oli.
"Dito ka na lang sa likod" nakanguso niyang turan.
Sumulyap naman ako kay Crane na nakakunot na ang noong hinihintay kami. Napalabi ako.
"Gagawin niyo akong driver?" Si Crane.
Tumingin naman nang masama si Oli sa kaniya. Ayan na naman sila.
"Oh bakit? Magyoyoga ka rin? Hindi naman, 'di ba?" si Oli.
Agad naman akong humarang sa tinginan nilang dalawa at hinawakan si Oli. "Sige na, Oli. Dito na ako" sabi ko at nginitian siya.
Umirap siya at pumasok na sa likod. "Tsk, lagi na lang..." Bulong niya.
BINABASA MO ANG
Tangled under the Stars (AS#2) [completed]
RomanceMarch 8, 2021 - June 6, 2021 Can Euna Jane Meija live the happiest again? Walang mahirap na problema sa kaniya o sa madaling salita, wala siyang pinoproblema. Despite being her siblings' most hated person and a parent's pet, she remained unbothere...