14

79 6 0
                                    

Mabibigat at mabilis ang mga hakbang ni Oli nang makita niya akong pumasok ng classroom.

"Ang tagal mong sagutin tawag ko kagabi!" Salubong niya habang nakasunod pa rin sa akin hanggang makaupo kami sa upuan.

Sinulyapan ko naman si Crane na suot na ang usual niyang mukha. Para siyang tamad pero nang bumaling sa akin ay umangat agad ang sulok ng labi.

He will tease me! Kahapon pa!

"Naliligo nga ako noon, Oli." Pilit kong sabi kahit hindi naman talaga 'yon ang dahilan kung bakit hindi ko agad nasagot ang kaniyang tawag.

Unti-unting umakyat ang konsesya sa akin kaya iniiwas ko na lang ang tingin kay Oli para hindi na lumala pa.

The truth is... Crane was already undressing last night! Hindi ko mapigilan ang mahiya nang alalahanin ang nangyari kahapon!

Wala namang lumagpas sa paghahalikan namin pero muntik na! Nagtanggal na siya noon ng damit at balak pang isunod ang kaniyang pang-ibaba!

His hands already went under my dress when Oli's call interrupted us. At first, pilit kong pinatigil si Crane pero ayaw niya! Gumalaw lang lalo ang kamay niya sa aking katawan na nakapagpaalis muli sa aking katinuan. On the third ring, sinagot ko na ang tawag ni Oli. Namumula at habol pa ang hininga. I was sure looking so flushed that night.

Pahirapan pa ang pagpapaalis ko kay Crane sa kwarto ko dahil sa pang-aasar niya. May parte sa akin na gusto pa siyang makasama pero inuunahan ako ng hiya ko at paghawak sa kakaunting natirang prinsipyo ko! He always drives me crazy to the point that I couldn't keep myself too!

"Tsk. Fine. Nga pala, Rian's birthday will be on next next Sunday!" Tulad ng nakasanayan, mabilis na nagbago ang mood niya.

"Malapit na pala? Anong theme?" Tanong ko.

Nangalumbaba siya at ngumisi. "Minions! Shopping tayo ah!" Aniya at humalakhak pa.

Naexcite na rin ako at inimagine na ang maari naming isuot. Sumulyap naman ako kay Crane at naisip kung ano ang magiging itsura niya kapag nagsuot nang ganoon.

Mukha siguro siyang antukin na minion!

"Naiisip ko pa lang ang cute na! Lalo na si Crane" I said then giggled.

Agad namang nabawi ang ngiti ni Oli at dumilim ang mukha. Oh. I almost forgot she hates him to guts.

"He's not even invited," she said coldly. Ngumuso ako at hinawakan ang kaniyang kamay.

"Nagkakasama pa rin naman tayo lagi ah? Galit ka pa rin sa kaniya?" Hindi ko maiwasang i-open uli sa kaniya ang topic.

Akala ko naman hindi na siya galit kay Crane dahil sa sinabi niya noong ayaw na niyang pansinin. Pero hindi pala.

"Oo, Eu. At huwag nga natin siyang pag-usapan. Hindi ko masikmura" aniya na ikinabuntong hininga ko.

But I'm still hoping for her opinion to change...

Natahimik rin naman kami nang dumating ang aming prof. He announced to us before dismissing na may magiging program sa Thursday. Kailangan daw ng representative sa amin na magpeperform. Agad na nagsabi ang mga kasama sa dance troupe sa aming magkakaklase at isa si Oli doon.

Vacant namin at sa library kami nagtungo. May kailangan kasi ako roon para sa isa naming subject. Sa high stool kami umupong tatlo at nakaharap sa pader. Sa kanan ko si Crane at sa kaliwa ko si Oli. Nasa gawing likod kami kaya tahimik at hindi gaanong maririnig ang boses namin kung magkwentuhan man kami.

"Grabe si Lei! Practice daw agad mamaya!" Si Oli na kanina pa nagrereklamo sa kaniyang mga kagrupo sa sayaw.

Dahil wala namang gagawin si Crane, ginaya na lang niya ang ginagawa ko at minsa'y nagbabasa. Hindi na inabala ni Oli na sumabay sa amin ngayon dahil hihiramin na lang daw niya ang notebook ko at sa bahay niya kokopyahin. Wala naman kasi siyang ginagawa sa kanila at laging naiiwan mag-isa.

Tangled under the Stars (AS#2) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon