"Hoy! Mga gago kayo! Si Euna!" Narinig kong sigaw ng kaklase ko.
Natawa naman ako at napahawak sa ulo nang maramdaman ang pagkirot noon.
"Gelo, hatid mo na kaya 'yang dalawa? Sila nakaubos ng isang bote!"
Umiikot na ang paningin ko pero pinigilan ko 'yon. Kumuha ako ng chichiryang mukhang singsing at inilapit iyon sa harap ni Oli.
"Oli, do you take Gelo as your beloved husband?"
I giggled when she takes the cheese ring from me.
Hinatak niya si Gelo na nakatayo na sa harap niya. Ang namomroblemang si Gelo na nakatayo sa harap niya ay nagulat sa kaniyang paghatak. Oli was smiling seductively at him but frowned after realizing something.
"Huh? Wait, kay Gelo? Sa'yo na lang, Eu!" Biglang bumaling ulit sa akin si Oli at kinuha ang kamay ko.
Natatawa ko naman iyong tinignan at kinain. Nanlaki ang mata ni Oli at parang batang ngumuso.
"That's my love for youuuuu" aniya na ikinatawa naming dalawa.
"Putcha, nakakakot malasing 'yang dalawang yan"
"Gelo, hatid mo na! Ikaw na lang tumanggap ng sapak ni Crane!"
Nagtawanan pa ang iba kong kaklase. May lumapit na babae sa akin at inalalayan naman akong tumayo. Si Gelo ay inalalayan si Oli.
"Euna, bakit ka naman kasi naglasing?" Probelamadong sabi ng umaakay sa'kin.
Tinampal ko siya bahagya na ikinagulat niya.
"H-hindi naman ako lasingggg..." sabi ko at napunta ang antok na mata sa kaibigan.
I giggled when I saw Oli clinging onto Gelo. Binuhat na siya ni Gelo at dinala sa kaniyang sasakyan. Sumunod naman kami.
"Gelo, hindi ka naman nakarami?" Si Irish.
Umiling si Gelo. "Hindi ako uminom"
Tumango lang si Irish sa kaniya at pinaalalahanan mag-ingat sa pagmamaneho.
"Ugh, ang init! Eu, patanggal ng zipper" ani Oli at tumalikod sa akin.
Bumaling naman ako sa kaniya at akmang ibababa ang zipper ng kaniyang dress sa likod nang marinig ang malakas na mura ni Gelo sa harap.
"Uh, Euna, l-lalamigin si Oli. Nilakasan ko na ang aircon" anito na ikinatango ko naman at hindi na itinuloy 'yon.
Kumirot ulit ang ulo ko nang msramdaman na naman ang pagkahilo at unti-unting nagdilim ang paningin.
Nagising na lamang ako sa sobrang sakit ng ulo. Agad ko namang naramdaman ang kamay sa akin. Napaupo ako at napahawak sa ulo. I heard someone tsked beside me.
"Inom pa" anito at may ipinahid na bimpong basa sa akin.
Napapikit ako nang sumakit ulit ang ulo at unti-unting dumilat. Bumungad sa akin si Crane na nakaupo sa gilid ng kama ko. Seryoso ang tingin sa akin.
"Crane" antok kong tawag.
Umiling lang ulit siya at kinuha ang isang bowl ng soup na nasa bed side table. Hinipan niya ang nasa kutsara at marahang inilapit sa akin iyon. Nanatili akong nakatingin sa kaniya.
"Kumain ka nang makainom ka ng gamot" aniya.
Wala sa sarili ko namang binuka ang bibig para masubo 'yon. Hinalo niya ulit ang soup at nagsubo sa akin hanggang sa maubos ko. Binigyan niya rin ako ng gamot at tubig.
"Inumin mo nang mawala 'yang sakit ng ulo mo."
Ininom ko naman iyon at napahinga nang maluwag nang matapos.
BINABASA MO ANG
Tangled under the Stars (AS#2) [completed]
RomanceMarch 8, 2021 - June 6, 2021 Can Euna Jane Meija live the happiest again? Walang mahirap na problema sa kaniya o sa madaling salita, wala siyang pinoproblema. Despite being her siblings' most hated person and a parent's pet, she remained unbothere...