19

63 6 0
                                    

"Mauna na ako, Oli..." Sabi ko at binulsa ang phone.

I don't know why but I suddenly felt guilty about Crane's message.

"Dito ka na magdinner!" Aniya ngunit umiling lamang ako.

"Hindi na, Oli. Salamat. Mauna na ako" sabi ko at tumungo palabas.

Gusto ko nang makaalis dahil alam kong kapag nagtagal ako, mahihirapan ako sa pagtanggi kay Oli. She can only sigh and went with me downstairs. Wala pa sila Tita kaya kay Kuya Oliver nalang ako nagpaalam. Tulad ni Oli, inaya niya akong dito na magdinner pero tumanggi ako. Nakahinga ako nang maluwag nang makasakay ako sa sasakyan at umuwi.

"Mukhang wala sa mood si Crane, Euna" si Ate Pia pagkabungad sa akin.

Ngumuso ako. Madali lang naman bumawi kay Crane. Halik lang...

Hindi ko alam pero kabado ako sa pagpasok sa bahay at nang sinabi ni Mira na nasa kusina si Crane ay doon na ako dumeretso.

There, Crane was waiting for me. Umangat ang tingin niya sa akin nang magkita kami. I smiled to ease the tension that I'm feeling. He seems... casual.

"Sorry at ginabi" sabi ko nang makaupo sa tabi niya. Tumango lamang siya at nagsimulang kumain. Ganoon din ako.

Wala namang kakaiba sa kaniya pero bakit pakiramdam ko ay mayroon? Ganito lang naman din talaga siya. Tahimik kumakain at kinakausap ako nang ilang sandali. Pero ngayon, kahit wala naman siyang sinabing hindi siya okay, feeling ko ay mayroon.

Bumagal ang pagnguya ko nang mag-angat ako ng tingin kay Crane. Mabuti na lang at wala sina Ate Myra dito at sigurado akong mapapansin nila ang mga kilos at tingin ko.

"Crane" tawag ko sa kaniya.

Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin. Tumaas pa ang kilay niya na para bang tinatanong kung bakit ko siya tinawag.

"Uh... sorry kung hindi ko nareplyan mga text mo" sabi ko.

Tumango lamang siya. I secretly pursed my lips as I wait for him to say something.

"It's fine." Maikli niyang turan.

Ngumiti ako pero agad siyang nag-iwas ng tingin. I felt my chest tighten. I don't like his actions.

Mabilis natapos ang aming pagkain at nagpasya kami sa sala. Tulad ng madalas naming ginagawa ay doon kami pumepwesto para makapagpahinga. I gave him my notes earlier and it seems that he's done copying them.

Ni hindi pumapasok ang sinasabi ng pinapanood namin sa utak ko dahil lumilipad lang iyon sa aking paligid.

Akala ko ba ay magiging normal lang kapag nasa bahay? Pero bakit pakiramdam ko ay hindi? Masyado ba siyang tahimik? Sakto lang naman...

O dahil masyado ko lang 'yon iniisip?

Napabuntong-hininga ako at niyakap ang tuhod. I saw how Crane glanced at me. Agad din naman niya iyon binawi nang lingunin ko din siya. I saw how he looks at the clock and decided to stand up. Humarap siya sa akin.

"Matulog na tayo" aniya at inabot ang kamay ko pero hindi ako gumalaw.

I saw how his eyes questioned my move.

"Crane, akala ko ba wala namang magbabago?" I said in a small voice.

Nanatili ang mata niya sa akin at ganoon din ako sa kaniya. Wala pa mang ilang araw pero pakiramdam ko may kakaiba na. Hindi naman siguro ako nagiging dependent sa kaniya dahil lagi lang siyang nakakasama?

"Wala nga," Aniya at iniwas agad ang tingin.

There. Ayaw niya akong tignan!

Napalabi ako at unti-unting tumayo para magkalapit kami. Hinawakan ko ang kaniyang kamay at bahagyang idinikit ang sarili sa kaniya. We started walking as we go upstairs. Ramdam ko ang pagmamasid niya sa aking kinikilos at nang tumungo na kami sa kwarto niya ay doon lamang ako nagsalita muli.

Tangled under the Stars (AS#2) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon