47

82 4 3
                                    

Naglalaro na ang maaaring maging reaksyon ni Mommy kung malaman niya ang tungkol kay Daddy. And Mommy knows about it? My mom knew that my father is cheating on her?

"Euna, stop thinking about other things! I'm not cheating on your mom!" Dad said frustratedly when he saw how I look like. Agad ding bumalik sa daan ang kaniyang mata.

"Because she knows about it? Dad! You're so--"

"Sarah Riguella is Roger's ex! She wants revenge so I helped her!"

Nalaglag ang panga ko roon ngunit naguguluhan pa rin. Sarah Riguella is Tito Roger's ex? And what? Revenge? For what? Ang gulo-gulo!

"Just calm down, please! I'm not cheating on your mom! Why would I even do that? You think of me that low, Euna?" Dad spats. Natahimik ako inisip ang tungkol doon.

Sarah Riguella is one of the country's top and wisest lawyers. Alongside his brother, Simon Riguella. Galing sila sa tanyag na pamilya ng mga abogado. And my Dad's an Architect. Aside from her being his client, paanong tumulong sa kaniya?

Nang makauwi ay nauna akong bumaba ng sasakyan at agad na pumasok sa bahay.

"Mom! Where are you!" I said frustratedly.

"Kitchen!" Narinig ko ang pamilyar na boses ni Mommy.

Mabilis akong nagpunta sa kusina at nakita siyang may nilalagay sa oven. Nang makita niya ako ay agad niyang isinara 'yon at inayos ang sarili. Agad naman akong nagtungo sa kaniya.

"Mom--" yumakap ako sa kaniya.

"Hon, it's about Sarah" narinig kong boses ni Daddy sa likod. Humiwalay ako sa yakap para tignan si Mommy. Gulat siyang tumingin kay Daddy na lumapit sa kaniya.

Sinamaan ko ng tingin si Daddy. Dad eyed me frustratingly before going to Mom.

"She thinks I'm cheating on you, Hon" tunog nagsusumbong si Daddy.

Nanlaki ang mata ni Mommy. "What? Euna--"

Umiling ako. "Mom! Tell me, then! You're my mom and it hurts to know that he's cheating--"

Napamura si Daddy at napahilamos ng mukha. Mom looks worried to the both of us. "He's not anak, umupo ka muna. Ano ba kayong mag-ama! Kumalma nga kayo!"

Sinunod ko si Mommy. Binigyan niya pa kami ng tubig ni Daddy. Maya-maya lang ay narinig na namin ang yabag at boses ng mga kapatid.

"Mom? Are you fighting?" Bungad ni Cleo at natigilan pa nang makita ako.

"No, Cleo. Go back to your rooms. Clea. Tatawagin ko kayo kapag luto na 'to" ani Mommy sa kanila. Nagtama ang tingin namin ng mga kapatid bago sila bumalik sa mga kwarto.

Nang mapansin nila Mommy na okay na ako ay umupo siya sa gilid ni Daddy. Daddy looks hurt and frustrated. Nagtama ang tingin namin.

"Anak, Sarah Riguella is a friend back in highschool. Siya ang girlfriend noon ni Roger bago si Jane." Maingat na sabi ni Mommy.

"Ang Daddy mo at ang Tito Roger mo ang magkaibigan talaga. Noong naging kami ng Daddy mo, naging sila rin ni Sarah. We were highschool that time at hanggang college. Naging magkaibigan na rin kami ni Sarah pero hindi siya nagke-kwento tungkol sa buhay niya noon..."

"Noong bigla siyang nawala, hindi namin alam kung anong nangyari sa kaniya. We even searched for her pero wala talaga. Wala rin nakakaalam ng matandang bahay ng mga Riguella. At noong sinabi ng Tito Roger mo na nakita niyang may kasamang lalaki ay hinayaan na namin siya..."

Sobrang bago sa akin ng tungkol dito.

"Pero sila pa ni Sarah noon. Noong naging sila ni Jane, kinausap pa namin siya tungkol doon dahil hindi pa sila hiwalay ni Sarah. But Roger was blinded with anger and betrayal, pinatulan niya si Jane" patuloy ni Mommy.

Tangled under the Stars (AS#2) [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon