~thirtieth

1.3K 11 4
                                    

Denver’s POV

Tumayo sya at humarap sa’kin. Nagtitigan lang kami dun nang matagal.

Nasabi ko na ba lahat ng gusto kong sabihin? What if bigla syang dumistansya sa’kin dahil sa mga nalaman nya? What if lumayo sya dahil alam nya nang mahal ko sya? What if hindi nya tanggap yung speech ko kanina? Puro ‘what if’ ang naglalaro sa utak ko.

Wala pa ring nagsasalita sa’ming dalawa at halatang pareho naming hindi alam kung anon a yung dapat gawin. Kausapin ko kaya? Oo tama.

Magsasalita n asana ‘ko kaso biglang namatay yung mga ilaw dun sa room.

Ang nagsilbing liwanang lang dun ay yung candlelight sa ibabaw ng table na kanina pa pala nakasindi. Maya-maya lang, nakarinig kami ng tumutugtog na violin then a violinist came into view nung pumasok sya sa room. Kasunod nya ay mga waiter na may dalang pagkain. Habang nilalagay nila sa table namin yung mga dala nila, hinila nung isang waiter yung upuan para sa’kin so umupo na ‘ko. Bumalik na sa pagkakaupo si Aijo.

Sya ba ang nagplano nitong dinner na ‘to? Mukhang hindi e. Tinitingnan nya rin kasi yung mga waiter na para bang clueless sya sa mga ginagawa nila. Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinapanuod yung violinist. Shemay. Ang galing kase and ang romantic lang nung ambience. Candlelit dinner?

Dahan-dahan akong napailing dahil di ako makapaniwala. Kala ko this scene happens only in movies. Pwede naman pala in real life e.

Pareho ata kaming walang idea sa nangyayari but then, dahil na rin ata sa gutom kaya kumain na kami. Hindi kami gaanong naguusap. Nahihiya ako sa baliw na ‘to. Did I just confess to him? Really? Haha.

Patapos na kami sa course nung biglang bumungad si Harvey dun sa pinto at todo ngiting naglakad papasok ng room.

“Did you like my surprise?”

Napataas yung kilay ko. “Para saan ‘to?” Tumawa ako. Di kasi ako makapaniwalang surprise ‘to sa’min ng baklang ‘to.

“Kaya mo ba kami pinapunta?” tanong ni Aijo.

Tumango si Harvey. “Yep. Dahil sa help nyo sa photoshoot namin, makakagraduate na ‘ko b*tches! Hahaha! I’m so grateful sainyong dalawa.” Niyakap ako ni Harvey kahit kumakain pa ‘ko kaya lalo akong natawa. Yayakapin nya rin sana si Aijo kaso hinila ko sya. “Okay na yung hug mo sa’kin. Tama na ‘yun teh.”

“Damot! Hahaha!” sabi ni Harvey with matching pabirong irap sa’kin.

Nakipagkwentuhan pa sya sa’min saglit at talagang paulit-ulit syang nagpasalamat sa’min. Kung tutuusin, halos wala naman kaming ginawa. Parang ako pa nga yung dapat magthank you sakanya e.

Napagdesisyunan na naming umuwi kaso pagdating naming sa entrance ng restaurant ay umuulan. Ang galing nga naman ng ulan na ‘to. Pano kami uuwi? Teka. So papatilain pa ‘to? Bale dito lang kami ni Aijo? As in kami lang? Bigla akong nahiya pero naisip kong chance ko na ‘to para magkapagusap kaming dalawa.

“Stay here. Kukunin ko lang yung sasakyan.” Hahawakan ko sana yung kamay nya kaso hindi ko naabutan kasi bigla syang sumugod sa ulan.

“…” Hindi na ‘ko nakapagsalita. Teka. Umiiwas kaya sya?

Natakot ako sa naisip ko nab aka magstart na nga syang mailang sa’kin so bigla na lang din akong sumugod sa ulan at hinabol sya. Medyo malapit na sya sa kotse nya nung nakita ko sya kaya binilisan ko yung takbo kahit naka-high heels ako. Sobrang bilis ng takbo ‘ko kaya nung malapit na ‘ko sakanya ay napasubsob ako sa likuran nya. Nagmukha tuloy akong nakayakap sakanya mula sa likod.

“S-Sorry.”

Haharap sana sya kaso niyakap ko sya ng mahigpit. “Ano ba Denisse? Magkakasakit tayo nito. Ba’t ka sumunod?”

Making Him Fall for METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon