~fifty-sixth

917 12 6
  • Dedicated kay Juan Ekis
                                    

Denver’s POV

     “I still can’t believe na friends pala kayong dalawa!” Kanina pa tuwang-tuwa ‘tong si Lian after namin mag-meet ni Nathalie. “Lagi kitang kinukwento dito kay Nat, hindi man lang sya nagre-react kaya hindi ko talaga expected ‘to.”

     Oo na nga, Lian. Halata ko nga. Mas hindi ka pa nga maka-getover kesa sa’kin e. Kaasar.

     Nandito kami ngayon sa isang Japanese resto sa mall. Niyaya ako ni Lian na kumain. I can’t believe pumayag si Nathalie. Parang tuwang-tuwa pa syang kasama ko ngayon. Pero who knows, baka naman hindi na sya inis or galit or suklam sa’kin.

     “Paano nga ulit kayo nagkakila?” tanong ni Lian. Shet. Sarap nyang tuhugin ngayon.

     Bigla akong napatingin kay Nathalie. Umiwas naman sya ng tingin sa’kin. Ang arrangement kase namin, kaharap ko siya (ewan ko kung bakit dito ‘ko umupo) tapos katabi nya si Lian.

     “Uhm… sa university.” Ako na ang sumagot.

     “Really? Pa’no nga?” Ay sorry naman, ‘paano’ pala yung tanong, akala ko ‘saan’. Kainis talaga ‘tong si Lian.

     Inalala ko kung pa’no nga kami nagkakilala. I remember the bullies, yung bote ng alak, yung bag nyang nahulog pa mula sa third floor. “Nakita ko kas-“

     “Naliligaw sya nun. One time kase, napadpad sya sa university namin. Tinulungan ko sya for directions.” Tinaasan ko ng kilay si Nathalie, pero tuloy lang sya sa pagkain.

     Everybody knows hindi ‘yun yung totoong kwento. What’s up with her? At ako napadpad? Bakit nung sya yung nagsabi ng word na ‘yun, parang hindi ko nagustuhan yung meaning. Langaw lang?

     “Ay oo nga pala!” Napatingin kami kay Lian dahil bigla na lang syang sumigaw. “May meeting nga pala ‘ko ngayon. Guys,” kaming dalawa ng beloved daughter nya yung tinutukoy nya, “gusto ko pang maka-bonding kayong dalawa pero I really have to go.”

     “Ge. Ganyan ka naman.” Tumawa si Lian dahil sa pagda-drama ko.

     “Next time na lang ulet. Bye na.” Hinaplos pa nya muna yung buhok ni Nathalie bago sya tuluyang umalis.

     At doon na nagsimula ang isa sa pinaka-awkward moments ng buhay ko. Tahimik lang kaming kumain. Para ‘kong mabubulunan dahil sa katahimikan naming dalawa. Maingay naman yung mga tao sa paligid- yung mga umoorder, yung waitress na bumabati ng ‘konnichiwa’, yung nag-aalok ng unli rice, yung umiiyak na bata. Naisip ko bigla, kung makikita kami ni Aijo ngayon ay baka kilabutan sya at akalaing nagkaroon ng malaking milagro.

     Susubo na sana ‘ko ng kanin kaso biglang nagsalita si Nathalie. “Seems my mom likes you.”

     I pursed my lips. Kakausapin ko ba ‘to? Ugh. Sige na nga. “Pareho kaming adik sa Guitar Hero e.”

     Uminom sya ng iced tea. I did the same. Grabe. Awkward talaga! Sagaran!

     “Wala ba kayong problema?”

     Napakunot naman ang noo ko dahil sa tanong nya. “Wala naman. Baket? I mean nagkakasundo naman kame though nakakainis ‘pag natatalo nya ‘ko sa Guitar He-“

     “Ni Aijo.” Napatingin ako sakanya. Akala ko si Lian yung tinutukoy nya nung una. Gusto kong matawa bigla. I know hindi mawawala ‘to sa usapan namin.

     “Wala rin naman,” I said in a deadpan voice. “Bakit naman magkakaron?”

     Nainis ako nung bigla syang ngumiti sa’kin. What’s your game?

Making Him Fall for METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon