~thirty-eight

1.2K 8 4
                                    

Nat’s POV

     It’s so noisy here. Ang daming tao and it seems like lahat sila ay walang pakialam sa mundo. Hindi pa naman ganun ka-late pero parang wala lang dun sa mga couples na nagme-makeout kahit anong gawin nila. The people don’t stare at them the way I do. Siguro ganito talaga ang feeling ng first time makapasok sa isang bar.

     “Nathalie!” Lumingon agad ako sa kung saan ko narinig na may tumawag ng name ko. There I saw Kate, Jeanel, and the rest. They’ve been my best friends ever since nahiwalay ako kay Aijo. And I must say, masaya ‘ko na naging close ko sila at hindi na kami tulad ng dati na puro away.

     Lumapit agad ako sa table kung nasaan sila. “Sorry! Two minutes late!” Sumisigaw na ‘ko kasi super lakas talaga ng music dito sa loob. We’re going to shoot a video na ang setting ay sa bar. This is a requirement in our Hum 3 class. Groupmates ko sila Kate and Jeanel.

     “You’re not forgiven! Shot ka muna!” Inilapit sa’kin ni Kate yung isang baso na may lamang alak. Kinuha ko ‘yun pero ipinatong ko lang din sa table. I don’t drink. Laging sinasabi sa’kin ni Aijo na ‘wag daw akong iinom lalo kung hindi sya ang kasama ko. I don’t know pero parang naging isa na ‘yun sa mga rules na sinusunod ko wherever I go.

     “Tara na. Let’s finish this. May mga paper pa ‘kong gagawin,” aya ko sakanila.

     “Nerd.” Nakita kong umirap si Kate pero wala ‘yun. Ganyan talaga sya pero mabait sya at totoong kaibigan. Siguro may rule din syang sinusunod sa buhay nya- to criticize everyone. Kaya sanayan lang talaga.

     Nauna si Jeanel sa’min. She guided us papunta sa isang  paikot na hagdan which leads to a room. Ang may-ari kasi ng The Muse ay boyfriend ni Jeanel. That’s why allowed kaming makigamit ng room dito para sa video namin. Sabi nila Jeanel ay tutulong din daw yung boyfriend nya sa gagawin namin so I guess walang problema.

     Nat!

     Napalingon ako sa kung saan-saang directions. Feeling ko may narinig akong tumawag sa pangalan ko. And like what I said, feeling ko lang ‘yun. Wala naman akong nakita. Sumunod na ‘ko kina Kate paakyat ng hagdan. Nakarating kami sa second floor then nakita ko yung isang mahabang hallway. Medyo dim din ang lights dito tulad sa ibaba. Who would have thought na ganito pala kalaki ang bar na ‘to. Anong purpose ng ganitong kadaming rooms? I wonder. Sa pinakadulong room sa hallway na ‘yun, doon kami pumasok.

     “Hi babe!” Nagulat ako kay Jeanel nung bigla nyang nilapitan yung guy na nagaayos ng kung ano dun sa side table. They kissed kaya umiwas ako ng tingin. Narinig kong tumawa si Kate.

     “Upo ka muna dun sa sofa habang nagpeprepare kami,” sabi sa’kin ni Kate while grinning. Sumunod naman ako. Inilibot ko yung mata ko sa room. Normal yung ilaw dito kaya parang nakapagrelax yung mga mata ko. I checked the cam na pinahawak sa’kin kanina ni Jeanel. Tiningnan ko yung pictures. Dun ko narealize kung gaano ka-sweet si Jeanel at boyfriend nya. It turns out na sya pala ang laging kasama ni Jeanel bukod sa’min.

     “Kate! Tara! Kunin natin yung props dun.” May tinurong door si Jeanel. Isa pa sigurong room ‘yun. Sumama naman agad sakanya si Kate so I was left in that room with this guy.

     “Anong palang name mo?” I blurted out.

     Tumawa sya. “Parang high school lang kung magtanong ah. Anyway, Matt.” He smiled. Lumapit sya dun sa switch ng ilaw then nagulat ako nung biglang nag-dim na rin yung ilaw sa room. “Effect ‘yan para sa video nyo.” Tumawa ulit sya.

     “Nathalie.”

     “I know. Lagi kang kinukwento nung dalawa.” He’s pertaining to Jeanel and Kate.

Making Him Fall for METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon