Denver’s POV
Whenever you have to make big decisions in your life, it is wise enough na humingin ka ng advice from your trusted friends. They might not be in your shoe but at least they have an idea kung anong kakahinatnan mo. Minsan kasi, parang mas kilala ka pa nila kesa sa pagkakakilala mo sa sarili mo.
“No way.” Dahil sa two words na ‘to, napatingin ako bigla kay Cielo. Nakahiga sya sa kama ko habang ako naman ay nasa harap ng desktop ko. Seryoso sya sa sagot nya kaya hindi agad ako nakapagreact. Kahit minsan na lang kami magkita nitong pinsan kong ‘to, marami pa rin syang alam tungkol sa’kin. Kaya nga isa sya sa mga gusto kong mahingan ng opinion.
“Bakit naman?” Wala namang nakakatawa sa tanong kong ‘yun pero tumawa sya na para bang I just cracked a joke.
“Di pa ba obvious yung sagot?” Bumangon sya at umayos ng upo sa gilid ng kama. “Ate, kaka-twenty mo lang. Kasal agad? I can’t believe sa’kin mo pa ‘to maririnig. Ako, na mas bata pa sa’yo? I love you ate kaya sinasabi ko lang sa’yo yung sa tingin kong tama. Kapag nagpakasal ka, there’s no turning back. Pati gaano ka ba ka-sure dun kay kuya Aijo? He’s the fourth one. What if nagkataon lang na mas matagal kayong naging okay but in the end…” Nag-trail off ang boses nya. Hindi nya siguro kayang ituloy yung sasabihin nya. Alam nyang hindi ko magugustuhan ‘yun.
“Kung ikaw ba nasa situation ko?” Napasandal ako sa upuan.
She shook her head. “Hindi ako magpapakasal. Hindi ako maniniwala sa sinasabi ng mama mo na kelangan ngayon na talaga magpakasal. Impossible naman na hindi sya makakauwi dito sa wedding mo. Hindi ka nun matitiis. Tsaka… di ko feel si kuya Aijo. Wala pang nangyayaring something na enough para maging boto ako sakanya.”
“Anong something naman ang gusto mong mangyari? Baka problema lang ‘yan.”
“Okay lang. Sa hard times mapo-prove ang strength ng love. Well, ganun yung mga napapanood ko.” Nagkibit-balikat sya saka humiga ulit.
Humarap na ulit ako sa computer. Nakatunganga lang ako, masyadong kong napapaisip sa kasal na ‘yan.
Aijo’s POV
“This is the biggest news I’ve ever heard mula nung pinanganak ako,” tuwang tuwang comment ni Yuna pagkatapos kong sabihin sakanya yung tungkol sa sinabi sa’kin ng mama ni Denisse.
Hindi pa dumadating ang prof namin kaya I decided na sabihin sakanya. Kanina pa rin kasi sya tahimik kaya naisip kong i-open up sakanya yung topic.
“Know what? You should go for it.” She nudged me at hindi pa rin nawawala yung excitement nya. “Come on, this is the chance to prove na mahal mo talaga si Denisse. Mom nya na ang nagsabi sa’yo. What else is the problem? Kung dati kay Nat, erm sorry for involving her in our topic. Anyway, where was I? Oh yeah, kung dati kay Nat parang you and Nat against the world ang drama nyo, ngayon naman it’s you, Denisse and the whole world against no one. What more can you ask for?”
“Bakit ba parang ikaw lang ata yung excited about this?” Bigla nya ‘kong pinalo sa braso dahil sa tanong ko. “What?!”
“You should be excited din kasi. It’s marriage we’re talking about here. Hindi lahat ng lovers humahantong dyan. You should be proud of that! Swerte ka nga kase baka ito na yung happy ending para sainyong dalawa e!” She raised her eyebrows up and down.
Napailing na lang ako. Ewan ko ba kung tamang sinabi ko pa ‘to sakanya. Iba naman kasi ang sasabihin ng mga babae ‘pag dating sa ganito.
BINABASA MO ANG
Making Him Fall for ME
Teen FictionThey are just victims of an arranged marriage. She's in favor but he is not. She falls in love with him while he already loves somebody else. She follows him everywhere just to see him with another girl. She waits for him He hurts her. She hopes for...