Denver’s POV
Friday na ngayon. Last day ng effectivity ng human auction deal pero wala naman akong napala. Bumalik ako ng university hoping na baka makita ko sya dito pero ni anino nya ata, di umapak kahit sa gate man lang ng campus. Medyo nawala na rin yung tungkol sa issue sa’min ni Ynares. I feel relieved kahit pa’no dahil di na rin ako pinagtitinginan ng mga tao. I have no idea kung anong iniisip ng mga ‘to sa’kin. Ang gusto ko lang malaman ngayon ay ang iniisip nya.
Dumaan ako sa gallery para tingnan yung painting na ginawa ‘ko. Somehow umaasa ako na sana kinuha na ni Aijo at dinisplay sa bahay nila or something like that, pero saludo na talaga ‘ko sa nagsabing hindi maganda ang umasa. Hindi man lang nagalaw yung gawa ‘ko. Naka-cover na nga ng curtains e.
Malungkot akong lumabas ng gallery. Dederetso na sana ‘ko sa paglalakad nung biglang may narinig akong mga nagsasalita doon sa isang side. Medyo tsismosa ang peg ko kaya sumilip ako sakanila. I was surprised to see Ynares and Yuna talking. Medyo intense ata yung conversation nila pero for some reasons, gusto kong mag-eavesdrop.
“Teka lang.” Hinawakan ni Ynares yung kanang kamay ni Yuna. Napansin ko yung mukha ni Ynares, parang dumaan sa matinding bakbakan. Anong giyera naman kaya ang sinalihan nito at ang dami nyang pasa sa mukha? Nevermind. Bigla namang humarap sakanya ang babae with a puzzled look on her face. Why do I get the feelling na may cameras somewhere out there at tinututukan silang dalawa? Feeling ko nasa movie ako. “I have to…” Ynares paused as if looking for the right words to say. “I have to tell you something.”
Huminga ng malalim si Yuna then ngumiti sya kay Ynares. “Gab, okay na. You don’t have to convince me or anything. Sige, wala kayong something ni Denver. And if ever meron nga, I’m fine with it. It’s not like you have to ask permission from me di’ba? Kase…” She trailed off. Nanlaki yung mga mata ‘ko dahil sa narinig ko. Tengene. Ba’t ako nasali dito?!
Napa-facepalm si Ynares. “Wala nga kase. She’s the last person na gugustuhin kong mainvolve sa usapang ‘to.” Wow. Thank you ha! Such a jerk. “Why don’t you just listen to me first, okay? A couple of minutes will do.”
Umiwas muna ng tingin si Yuna saka sya nag-crossarms at tumango kay Ynares. “Ano bang gusto mo?”
“Ikaw.”
“No. I mean, anong gusto mong mangya- wait. What?” Kumunot yung noo ni Yuna at para bang yung sinabi ni Ynares ay isang kasalanan na tipong sesentensyahan ka ng kamatayan ‘pag sinabi mo ‘yun.
“Ikaw nga. I like you.” Infairness, napangiti ako ng bongga sa sinabi ni Ynares. ‘Yan ang tunay na nagmamahal. Walang paliguy-ligoy. Straight to the point. Sure sa feelings. “And that fact has been torturing me for the past three years.”
Emerged. I died talaga sa line nyang ‘yun. Akalain mong etong si Ynares, may pinakatatago-tago palang kilig bones?! Parang gusto ko tuloy biglang umeksena at i-congratulate sya dahil graduate na sya sa Torpe University.
Ang reaction ng babae? Ayun, biglang umiyak. Pinalo nya sa braso si Ynares. “Pinaglololoko mo naman ako e!”
“What the fu- Totoo ‘yun! It took me a lot of courage to say that. Oy, ba’t ka ba umiiyak dyan?” Halatang nagpapanic na ang baliw. Lumingon sya sa paligid kaya medyo nagtago pa ‘ko. Mahirap na, baka makita nya ‘ko.
Isa pang palo sa braso ang tinamo ni Ynares mula sa kausap nya. “Ikaw e! Alam mo namang ayokong pinagtitripan ako ng ganito! How can you say such things? Di ka ba natatakot masira ang friendship naten?!” Mas lalo pang tumulo yung luha ni Yuna pero agad nya naman itong pinupunasan. Medyo natatawa pa ‘ko sa kanila ni Ynares. Laughtrip lang talaga ng usapan nila.
BINABASA MO ANG
Making Him Fall for ME
TeenfikceThey are just victims of an arranged marriage. She's in favor but he is not. She falls in love with him while he already loves somebody else. She follows him everywhere just to see him with another girl. She waits for him He hurts her. She hopes for...