~fifty-ninth

664 8 3
                                    

Denver’s POV

     Iba talagang manggulat ang buhay, always at the time you are least prepared.

     “Pwedeng…” I looked around to see if the people around us are still staring, and yes they are. Para bang buong buhay nila nakasalalay sa isasagot ko. “Pwedeng time out muna?”

     “Ano?” Medyo natawa pa si Aijo, akala nya ata nagbibiro ako.

     “Seriously, kanina pa ‘ko sa sinehan nasi-CR.” Without waiting for the next thing he’ll say, umalis na ‘ko at dumeretso sa comfort room. Hindi man lang ako lumingon para tingnan ang reaction nya dahil sa ginawa kong pagalis. Feeling ko tuloy, I totally made the wrong move.

     Gusto kong sermunan ang sarili ko pagdating ko sa CR but instead, the comfort room served its purpose. Nakahinga ‘ko nang maluwag, nakawala ako sa tension na nabuild up kanina nung sinabi nya yung mga salitang halos bumingi sa’kin after kong marinig. I have always wanted to hear those words pero masyado kasi akong na-surpirse. Dapat nga expected ko na ‘yun since pressured kaming pareho dahil sa sinabi ni mama regarding the wedding. Pero iba kasi talaga ang feeling when you are at that very moment.

     I must admit, natuwa ako. But at the same time, grabeng kaba yung naramdaman ko.

     After kong mag-CR, lumabas na ‘ko. Nag-aalala ‘ko dahil baka nagalit sya sa’kin kasi nga bigla ko syang iniwan sa ere. What if pagbalik ko doon sa table, wala na sya? Baka napahiya pala sya dahil sa katangahan ko. For a moment, I despised myself for being so spontaneous.

     But all the fears faded away nang makita ko syang nandun pa rin sa spot kung saan ko sya iniwan kanina, at nakaluhod pa rin.

     Pinagtitinginan sya ng mga tao dahil naka-steady lang sya doon. Nalipat yung mga tingin nila sa’kin nung naglalakad na ‘ko malapit sakanya. Ang seryoso pa ng mukha nya pero bigla ‘yun napalitan ng tuwa nung tumayo na ‘ko sa harap nya.

     “Yung totoo? Gusto kitang sapakin kasi ginagawa mo ‘to. Bakit hindi ka man lang tumayo dyan?!”

     Napangiti sya lalo. “Yung totoo? Kahit naiinis ka na sa’kin ngayon at kahit medyo nangangalay na ‘ko, hindi pa rin ako nagdadalawang-isip sa pagpo-propose ko sa’yo.”

     Kahit tonong nang-aasar yung boses nya, something tells me na napaka-sincere nung sinabi nyang ‘yun. It sounds so stupid yet it feels so right.

     “Oo na, tumayo ka na dyan.”

***

     “O, bakit parang ang saya-saya mo today?”

     Tiningnan ko si Alyssa at nginitian. “Wala lang.”

     “Suuuus. Wala lang daw. May nangyari no? May connect dyan yung boyfriend mo ‘no? Share!” Inalog-alog nya ‘ko sa balikat kaya napatigil kami sa paglalakad. Papatayin ata sya ng curiosity nya kung wala akong sasabihing kahit ano sakanya.

     “Wala nga. Last day kase ng exams ko ngayon. Kanina yung last, then all artworks are submitted. Happy happy na muna ‘ko ngayon. Next week na ulit ako dadagsain ng requirements. Gusto mo mag-mall tayo before umuwi?” She seemed to be convinced sa excuse ko. Pumayag agad sya sa idea kong tumambay muna kami.

     I did not tell her about Aijo’s proposal because… we wanted to keep it a secret. Actually, pinilit ko si Aijo na ‘wag muna naming ibalita ‘yun sa iba. I suggested na ang announcement regarding that ay sa pinakahinihintay ‘kong ika-one hundred day namin, which is almost two weeks from now. Wala lang, to make it more special. Kung iisipin, ang bilis lumipas ng one hundred days na ‘yun. Ni hindi ko nga inakalang aabot kami sa point na ‘to e. Nagbunga rin ang pagiging baliw ko.

Making Him Fall for METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon