Denver’s POV
Sunday night. Hulaan nyo kung nasaan ako at kung sinong kasama ko.
“Oy. Tumingin ka kase sa palabas. Kunwari ka pang nagtetext dyan, siguro hindi mo ma-take yung mga gory films tulad nito no?” Hinablot ko yung phone nya at hinagis dun sa kabilang sofa. Magkatabi kami ngayon pero may maliit na space pa rin sa pagitan namin- enough lang para hindi ako masuffocate sa fact na kasama ko sya at kaming dalawa lang sa kwartong ‘to.
Umakto syang tatayo para kunin yung phone pero nagsalita na agad ako.
“Pag kinuha mo yang phone mo, ibabato ko na ‘yan sa terrace at uuwi na ‘ko.” With that, wala na syang nagawa at pilit na tumingin sa pinapanood naming movie. Pinigilan ko yung ngiti ko. Kanina ko pa kasi sinasabi na uuwi na ‘ko since gabi na pero pinipilit nyang manood pa kami.
“Bakit ba kasi ‘yan pa e? Iba na lang!” reklamo nya. Anong pinapanood namin? Hansel and Gretel Witch Hunters. Ako ang pumili kase mahilig ako sa mga stories na pambata then ginagawang movies at medyo ina-alter yung story.
“Kung kelan nasa gitna na, dun ka pa magrereklamong palitan ko? Adik ka ba?” Nag-focus na ulit ako sa movie pero nagsalita pa rin sya.
“Ang korni naman kase. The Adjustment Bureau na lang dapat e.” Isinandal nya yung ulo nya sa balikat ko kaya nanigas ako. Bigla akong nailang pero I must admit, medyo natuwa ako.
Until now, in-denial pa rin ako sa totoo ‘tong pinapakita sa’kin ni Aijo- yung pagiging sweet nya. Para sa’kin ba talaga ‘to? Or maybe it’s meant for someone else, substitute lang ako sa ngayon. Medyo nakaramdam ako ng lungkot dahil sa pag-iisip kong baka temporary lang ‘to. Kung pwede lang sabihin ko sakanyang totohanin nya na lang lahat. Pero hindi e.
“Bigat mo.” Hindi sya gumalaw. Sinilip ko yung mukha nya at nanonood naman sya. Bigla kong naalala yung activity bukas sa department namin. “Nga pala, busy ka ba bukas? Start na ng University Week. Ano kase… uhm..”
“May basketball game sa department namin. Yung bloc namin versus yung kabilang bloc. Baket?” Nakatingin lang ako ng deretso sa TV pero di ako nagsalita. Hindi ko na lang siguro sasabihin. “Uy. Baket?” Tumingala sya para tingnan ako pero kunwari na-hook ako sa isang scene sa movie.
Akala ko magtatanong pa ulit sya pero biglang nag-vibrate yung phone ko. Sinilip ko agad kung sino yung tumatawag at natuwa ako nang malaman kong si mama ‘yun. Ayoko mang tumayo dahil aalisin ni Aijo yung ulo nya sa pagkakasandal sa’kin pero kelangan.
“Wait lang.” Umayos sya ng upo nung umakto ‘kong tatayo. Medyo nahiya naman ako sa sinabi ko. Bakit ko sinabing ‘wait lang’? Para ko na ring sinabing ‘sandal ka ulit mamaya ha’. Lumabas ako papunta sa terrace at masayang sinagot yung tawag. “Ma!”
“Wow. Parang ang saya ng anak ko ah! In love?” Namula agad ako dahil sa sinabi nya. Lumingon ako sa loob ng kwarto para tingnan si Aijo. Nakatingin din sya sa’kin mula sa kinauupuan nya. Para bang nakikinig sa usapan namin though I’m quite sure na di nya ko rinig dahil sinara ko yung glass door.
“Hindi po. Ma naman e. Minsan ka na nga lang po tumawag, kung anu-ano pa pag-uusapan nati-“ Di nya ‘ko pinatapos.
“Sorry to disappoint you pero ‘yan talaga ang reason kung bakit ako tumawag. Your dad told me about this guy na mukhang seryoso daw sa’yo. I would like-“ Di ko na narinig yung mga kasunod na sinabi ni mama dahil naagaw yung attention ko nung babaeng nakatayo sa kabilang side ng street. Medyo madilim dahil natatakpan sya ng anino ng puno pero sigurado ‘ko, si Nathalie ‘yun.
BINABASA MO ANG
Making Him Fall for ME
Dla nastolatkówThey are just victims of an arranged marriage. She's in favor but he is not. She falls in love with him while he already loves somebody else. She follows him everywhere just to see him with another girl. She waits for him He hurts her. She hopes for...