~thirty-first

1.3K 9 5
                                    

Alyssa's POV

Past twelve midnight na pagcheck ko sa orasan ng phone ni Jun. Ano ba 'yan? More than four hours na kami dito pero wala pa rin. Ganun pa rin yung eksena, nilalamig siya kahit ikinumot ko na sakanya yung jacket ko, nakaunan pa rin sya sa lap ko at ako eto, nilalamig na rin at nakasandal sa wall. Wala pa ring signal, walang kuryente at hindi pa rin nabubuksan yung pintuan.

Medyo inaantok na rin ako pero nagulat ako nung biglang umubo si Jun. Hinimas ko yung likod nya. Nagiguilty talaga 'ko. Okay! Ako na may kasalanan! Dahil sa pride at galit 'ko, eto tuloy nangyari sa'min.

"A-Alyssa..." Hinawakan ko yung noo nya at mukhang medyo bumaba na lagnat nya.

"Kaya mo pa ba? Oy Jun..." Sinuklay ko yung buhok nya gamit yung kamay ko. "Wag kang mamamatay dyan ah?"

Narinig ko syang tumawa nang mahina. "Hindi pala 'ko nananaginip. Nandito ka talaga." Matamlay pa rin yung pagkakasabi nya nun.

"Ssshh. Magpahinga ka na lang." Natigilan yung kamay ko sa pagsuklay ng buhok nya nung bigla nya yung hinawakan. "B-Bakit?"

"Sorry," sabi nya.

"Ano ka ba? Kasalanan mo bang magkasakit? Okay lang 'yan no. Matulog ka na lang. Ako muna bahala sa'yo di-"

"Hindi 'yun. Gusto kong magsorry kase..." Huminga sya ng malalim. "..kase nagsinungaling ako, pati ano... hindi ko sinabi sa'yo yung tungkol sa kasal nila kuya. A-Akala ko kase, mas okay kung... kung hindi mo malalaman para di ka masaktan. Sorry." Mas lalong humigpit yung hawak nya sa kamay ko.

Naalala ko na naman bigla 'yun. Oo, nagalit ako nung una dahil di nya sinabi sa'kin yung tungkol nga kay Jake. Pero ang mas ikinagalit ko ay yung pagamin nya na hindi totoo lahat ng pinakita nya sa'kin, na ginawa nya lang 'yun para madivert yung attention ko sakanya instead na sa kuya nya. Ngayon mas masakit, kasi nagsosorry pa rin sya about sa ginawa nya- na wala naman talaga syang feelings para sa'kin. Ang sakit lang sa pakiramdam na pagkatapos sabihin sa'yo na 'I love you' biglang babawian ng 'sorry'.

"W-Wala na 'yun. Okay na. Gets ko na kung bakit mo 'yun ginawa." Kahit masakit, iintindihin ko na lang. Concern lang naman sya, ako lang 'tong si t*ngang naniwala sa mga ginawa't sinabi nya.

"Honestly, nung una..." Umubo sya saglit. "Nung una, alam ko pa kung bakit ko ginawa 'yun... pero nung tumagal, lalo nitong mga nakaraan... parang hindi ko na gets yung sarili ko bakit ginagawa ko pa rin sa'yo yung pagiging sweet at pagkukunwaring may gusto sa'yo." Medyo nasaktan ako sa sinabi nya, 'pagkukunwari'.

"Ha?"

"Yung mga... p-pagkukunwari ko narealize kong naging totoo. Not because nakasanayan ko na, pero kasi..." Dahan-dahan syang bumangon at hindi pa rin sya bumibitaw sa kamay ko. Nakaupo syang humarap sa'kin. "Kasi, Alyssa... mahal na ata talaga kita."

Silence.

Dinigest ko pa yung sinabi nya. Ano raw?

Napasinghap sya. "Hindi pala ata, mahal talaga kita. Really, weird pero totoo. Maniwa-"

"Nakakag*go ka naman Jun e!" Hindi ko na napigilan. Dahil dun sa liwanag na galing sa phone nya, naaninag ko yung pagkagulat sa mukha nya. "Nakakainis naman e. Ang gulo mo! Ang sakit sa brain cells ah! Sabi mo... akala ko ba..." Naramdaman ko yung pagtulo ng luha ko. Pinahid ko agad bago pa nya mahalata.

"I-I know, sorry kung nalilito ka na pero totoo 'yun." Lumapit sya sa'kin at hinawakan ako sa balikat ko. Kahit nakatungo 'ko, ramdam ko yung titig nya sa'kin. "Nung dumating si kuya, natakot ako. Hindi lang dahil sa malalaman mo na yung totoo, pero dahil aware ako na excited kang makita sya kase di'ba, gusto mo sya? K-Kung pwede ko lang iligaw yung sinakyan nating bus nung day na 'yun, baka ginawa ko na wag lang tayong makarating sa bahay namin, wag lang kayong magkita. Aaminin ko, natakot ako nun kase baka mawala ka sa'kin." Napailing sya. "Akala ko nung una, natural lang na ganun yung maramdaman... kasi best friend kita e. Pero that night na nag-away tayo, nung nagalit ka sa'kin then nakita kitang umiyak.." This time, hinawakan nya na yung parehong kamay ko. "Dun ko narealize na gusto pala talaga kita. Na kahit magalit ka sa'kin, kahit di mo 'ko pansinin, itutuloy ko lang yung ginagawa ko. Magpapansin ako sa'yo nang paulit-ulit hanggang sa maniwala ka ulit sa'kin, until marealize mo na ready akong gawin lahat kase ganun kita kamahal. Nakakainis kasi ang tagal-tagal na pala kitang mahal pero ngayon lang talaga 'ko natauhan."

Making Him Fall for METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon