Denver’s POV
“B-Bitaw nga! Kapag etong pagkain ko talaga natapon, sasapakin kita!” Medyo pinipigilan ko yung boses ko kasi baka marinig kami ng mga tao sa labas nitong, sa tingin ko, storage room.
“Ssshhh.” Di nya ‘ko pinakinggan, nag-stay lang kami sa ganung pwesto at pinakinggan yung usapan sa labas.
“Wag mo ngang takutin ang tita mo. Kapag ‘yan nahimatay dito, magaalaga ka pa.” Boses ‘yun nung dad ni Alyssa. “Alis na kami. Alyssa, be good.”
“Bye, baby.”
Wala na kaming narinig at sure naman akong umalis na yung mga tao. Pero bakit ‘tong si Pikachu, hindi pa rin lumalayo sa’kin. Shet na ‘yan. Kenekeleg eke. No! Wala. Galit ako dito. Hindi pwede. Kalandian, utang na loob, shupi ka muna!
Kumawala na ‘ko dun sa pagkakayakap nya at lumipat ako ng pwesto. Biglang may umilaw dun sa kamay nya at narealize kong cellphone nya pala ‘yun. Itinapat nya ‘yun sa’kin so nakita nya yung ulam na dala ko.
“Tsss. Naisip mo pa talagang dalhin ‘yan?” Naaninag ko yung pag-iling nya habang sinasabi ‘yun. Pake ba nya? E sa gutom na talaga ‘ko.
Di na ‘ko nag-inarte at talagang kinamay ko na lang yung ulam. Walang mangyayari kung maghahanap pa ‘ko ng kutsara at this moment. Napansin ko na lang na kumukuha na rin si Aijo ng ulam. Hindi naman ako ganung ka-mean kaya hinayaan ko na lang sya. Bahala sya sa buhay nya.
Maya-maya lang naka-receive kami ng text from Alyssa about sa pag-stay ng tita nya dito sa house. Natadtad ng mura yung utak ko. So wala nang chance na makalayas kami sa lugar na ‘to? Nyemas, e kung sabihin ko kayang wala na ‘kong pake kung mahuli kami dito? Kaloka. Ang sikip na nga sa pwesto namin, hindi ko pa ma-enjoy yung pagkain.
Nung naubos na namin yung food, hindi na talaga ‘ko nakapagtimpi. Gumapang ako palapit dun sa maliit na pintuan at umakmang lalabas na ng storage room na ‘yun kaso pinigilan ako ni Aijo.
“What now?!”
“Gusto mo bang mahuli tayo?”
“Heh. Wala na ‘kong pakialam, okay? Di ko na kayang mag-stay pa dito!”
“Be considerate naman sa side ni Alyssa. Let’s stay here for another hour. Who knows baka makatulog na ‘yung tita nya.”
Sinunod ko yung sinabi nya. Okay, I’m doing this for my dear friend. Hindi dahil kay Aijo. Ang ginawa ko na lang, sumiksik na lang ulit ako dun sa isang side at niyakap yung mga tuhod ko. Yumuko ako at sinubukang matulog. Feeling ko nananaginip na ‘ko nung bigla kong naramdaman na may kumakalabit sa’kin. Tiningnan ko agad yung nasa harap ko.
“Ano na naman ba?!”
“Easy. Itatanong ko lang kung…” Na-bother ako dun sa pause nyang ‘yun. “Never mind.”
“Shet, inistorbo mo ‘ko para lang sabihing ‘never mind’?! Ano nga kase?” Kainis. Ayoko nung mga sentences na sisimulan tapos hindi naman tatapusin. The hell talaga. Naisip ko din, this might be a chance for us to talk. Wait, talk about what?
“Yung about nung Monday pati kahapon. What was that?” Tinaasan ko naman sya ng kilay kahit alam kong di nya mapapansin ‘yun since madilim nga dito sa loob. Mahina lang yung pag-uusap namin syempre, nag-iingat kami na baka may biglang tao pala sa labas.
“What about that?” hugas-kamay kong tanong.
“Tsss. Halata namang sinadya mo ‘yun, Di mo ‘ko pinansin. Dalawang beses mo ‘kong nilampasan na para bang hindi ako nakatayo sa harapan mo.” Oh. So affected sya?
BINABASA MO ANG
Making Him Fall for ME
Teen FictionThey are just victims of an arranged marriage. She's in favor but he is not. She falls in love with him while he already loves somebody else. She follows him everywhere just to see him with another girl. She waits for him He hurts her. She hopes for...