Denver’s POV
Aijo grunted. “Nice try, Denisse. Pero naka-oo ka na sa’kin noon. I’m doing this for the sake of a good memory.”
I bit the inner side of my lower lip as I shook my head for him to clearly understand what I just said. “Ayoko,” matigas kong sabi.
Umiwas ako ng tingin saka naglakad papunta sa pick-up para kunin yung mga gamit ko. Nanginginig ang kamay ko habang pinupulot yung mga gamit ko.
Naalala ko yung narinig kong usapan nila Mama at Papa after naming mag-celebrate ng New Year.
***
4 a.m. na sa phone ko, hindi na ganung kaingay sa labas unlike kaninang twelve midnight. Hindi ako makatulog. Iniisip ko pa rin yung letters na nabasa ko kanina. Lumabas ako ng kwarto para sana tumambay sa labas kaso napatigil ako sa may hagdanan dahil narinig kong nag-uusap sila mama sa may living room.
“I feel really blessed,” narinig kong sabi ni Papa.
“You have almost everything you need, what more could you ask for?” tanong ni mama.
Hindi ko sila kita mula sa pwesto ko. I decided na umupo sa hagdan at mag-eavesdrop sa kanila. Niyakap ko yung mga binti ko as I sat there.
“You remember nung tinanong mo ‘ko dati, na kung bibigyan ako ng chance na humiling ng isang bagay, anong hihingin ko?”
“Ang tagal na nun, ah? Nakuha ko lang ‘yun sa movie na pinanood natin nung nag-date tayo,” natatawang sagot ni mama. Napangiti ako.
“Natandaan ko kasi hindi ko ‘yun sinagot.”
May narinig akong tunog ng kutsarang dumikit sa baso. Amoy ko yung aroma ng kape. Nagtimpla siguro si mama ng kape. Gusto ko yung ganitong feeling, reminds me of my childhood kung saan naglalaro ako habang sila mama at papa, nagkakape lang sa malapit.
“Nung nalaman kong may sakit ako, that was the first time I remembered your question. Naisip kong sagot noon- additional years in my life. But then, naalala ko si Denisse.” I froze upon the mention of my name. “Naisip ko, pa’no naman s’ya kung wala na ‘ko? Nadadagdagan nga ng taon ang buhay ko but after that, kung maiiwan din syang mag-isa, wala rin.”
“That’s the reason bakit bigla mo na lang naisipan ang arranged marriage, right Pa? Nung unang nagsumbong sa’kin si Den-Den, tinawagan agad kita noon para itanong kung anong pumasok dyan sa isip mo. Your answer was for the sake of business. Pero alam ko agad that time, di mo gagawin ang isang bagay kung alam mong hindi nya ‘to magugustuhan. So, I figured something was up.”
Natahimik sila. Doon ko lang napansin yung panlalabo ng mga mata ko dahil sa namumuong luha kanina pa.
“Kung may hihilingin ako ngayon, gusto ko lang makakita si Den ng taong mag-aalalaga sakanya, iintindihin ang flaws nya at makikisakay sa mga drama nya. Someone who’ll love her and appreciate her the same way you do to me, Ma.”
Naitakip ko sa bibig ko yung pareho kong mga kamay. PInigilan ko ang pag-iyak.
“With that, dying wouldn’t be so hard for me.”
***
Hinawakan ako ni Aijo sa braso at iniharap nya ‘ko sakanya. “What’s this?”
BINABASA MO ANG
Making Him Fall for ME
Teen FictionThey are just victims of an arranged marriage. She's in favor but he is not. She falls in love with him while he already loves somebody else. She follows him everywhere just to see him with another girl. She waits for him He hurts her. She hopes for...