Denver’s POV
“Aray!”
“Kulang pa ‘yan kaya wag kang magreklamo!” Binatukan ko ulit si Jun.
“Aray kase Den! Masakit ah! Nakakailan ka na!”
“Shattap!” Batok ulet.
“Kaya sa’yo ko lumapit para mabawasan ‘tong sama ng loob ko pero parang mas lalo mo ‘kong sinasaktan alam mo ‘yun?!” Lalong kumulo yung dugo ko dahil sa sinabi nya. Binatukan ko ulit sya kaya napaaray sya.
“At ikaw pa ngayon ang masama ang loob ha? Hiyang-hiya naman si Alyssa sa’yo no?”
“Denisse, baka mapatay mo ‘yan.” Nagsalita bigla si Aaron kaya tumingin ako sakanya.
“Pagsabihan mo nga ‘tong kaibigan mo. Baka sakaling magkaintindihan kayo.”
“Anong meron?” Narinig ko bigla yung boses ni Aijo mula sa likod ko. Oh shet. Grabe. Whew. Nagstart na naman akong magpalpitate. Parang sumakit yung tiyan ko na ewan.
“Ouch. K-Kelangan kong mag-CR. Alis muna ‘ko ah.” Kinuha ko agad yung bag ko then tumakbo na ‘ko palayo sakanila.
Narinig ko pang tinawag ako ni Jun pero di na ‘ko lumingon pa. I just need to get out of here. Good thing wala na ‘kong class mamaya, cancelled since may activity sa department namin. Free na ‘kong pumunta sa mall without thinking na isa ‘kong patapong estudyante kase lagi akong si Ms. Ditch-the-class.
Syempre pumunta ‘ko sa favorite tambayan ko sa mall. Sa arcade. Kelangang marelieve ang stress. Kalimutan ang problema. Dumeretso agad ako dun sa bilihan ng token. Nagabot ako dun sa babae ng P100 at ibinili lahat yung ng token. Sorry naman ah, bisyo ko na ata ang maglaro dito. Lumapit ako dun sa may Guitar Hero kaso nakita kong maraming tao at mukhang may naglalaro. Sumilip ako at nakita ko nga yung isang babae na tumutugtog ng J-pop. Infairness, magaling sya at nagenjoy akong panuorin sya.
Medyo matagal din akong nakatayo dun at nung natapos sya, ibinaba nya yung guitar then humarap na sya sa’min. Nagulat ako nung nakita ko kung sino sya. Sya yung girl na sabi ko familiar at madalas kong makita dito since staff talaga sya dito. Siguro nasa late 20s pa lang sya. Wow.
Nagtama yung mga mata namin then nginitian nya ‘ko. Ang rude naman kung di ko papansinin so nagsmile na din ako. Maya-maya, lumapit sya sa’kin.
“Maglalaro ka ulet?” Tinabihan nya ‘ko at pareho kaming nakaharap dun sa bagong maglalaro ng Guitar Hero.
“Sana. Kaso nahiya ako sa galing mo e.” Tumawa kami pareho.
“Madalas kitang nakikitang maglaro dyan, ikaw actually ang inspiration ko pagdating sa game na ‘yan.”
Tiningnan ko sya na parang di ako makapaniwala. “Asa?”
“Seryoso. Naaalala ko kase sa’yo yung anak ko. Magka-age siguro kayo. Kung mahilig lang syang maglaro dito, baka eto na ang naging bonding namin.” Again, I was dumbfounded. Etong babaeng ‘to, may anak na?
“I don’t want to be rude, pero ilang taon ka na?” This time, she really caught my attention.
“Sabihin nating nasa early 40s na ‘ko.” Napanganga ‘ko sa sinabi nya. As in etong babaeng ‘to na mukhang twenty something lang, is actually twenty years older than what I thought. Takte. Anong secret nya?!
“Lian.” Nilapit nya sa’kin yung kamay nya for a handshake.
Inabot ko naman. “Denver.”
Ewan pero ang gaan ng loob ko sakaniya. Hindi ko pa rin maalala kung saan ko sya nakita dati kasi super familiar nya nga sa’kin, well except for the fact na dito sya nagtatrabaho. Mind you, hindi pala sya basta-bastang staff dito, she owns this arcade for Pete’s sake. Biniro ko pa nga sya na sana libre na ‘ko dito since friends na kami. She prefers to be called Lian though minsan nasasabi kong ‘ate’ Lian. Wow lang, instant friend.
BINABASA MO ANG
Making Him Fall for ME
Novela JuvenilThey are just victims of an arranged marriage. She's in favor but he is not. She falls in love with him while he already loves somebody else. She follows him everywhere just to see him with another girl. She waits for him He hurts her. She hopes for...