~sixty-second

660 14 7
                                    

A/N: Di na proofread. Sorry po. Mas mahaba pa dapat 'to kaso may kailangan akong gawin. So sa next UD na lang siguro. Kelan kaya 'yun? Hume-hell week din kasi ang summer class ko. Haha.

Ilang chapters na lang, bye-bye na. Anong gusto nyong mangyari? You are free to suggest! Suggest lang ha. Not guaranteed na maipupush natin sa story. Lol.

Thank you sa pagbabasa! Love love love! <3

Denver’s POV

     “Tama na, please!” pagmamakaawa ko sa lalaking sumisipa kay Aijo. “Tama na…”

     I was relieved nung huminto nga sya sa pangbubugbog nya. Doon lang ata natauhan yung mga kasama nya at pinigilan na sya.

     “Puro ka lang yabang, Eugenio.” Galit nyang inalis yung pagkakaakbay sakanya ng mga kasama nya saka sya naglakad palabas ng restobar. Tiningnan ko yung mukha nung mga kasamahan nya. Nasa sampu ata sila, dalawa ang babae. Halatang natakot sila sa nangyari pero yung iba naman, sanay na atang makakita ng binubugbog. Nagsilabasan na rin sila hanggang sa ako na lang at si Aijo ang natira doon sa loob.

     “Okay ka lang? I mean… kaya mo bang tumayo?” Tumango lang sya so inalalayan ko sya para makaupo kami sa may tapat ng counter.

     Nagulat ako nung may babaeng lumabas mula sa kusina ng restobar. I assumed na high school student sya at bantay sya ng place na ‘to. Naglabas sya ng yelo mula doon sa fridge. “Ate, kuya… sorry kung hindi ako humingi ng tulong ha. Regular customers kasi naman yung mga ‘yun, baka di na sila bumalik dito kung isusumbong ko sila.”

     Hindi na lang ako nagsalita. Pinatalikod ko si Aijo mula sa’kin at itinaas yung shirt nya. Halos maiyak ako nung nakita ko yung mga pasa sa likod nya. Kinuha ko agad yung yelo na in-offer nung babae saka idinampi sa mga pasa ni Aijo. Hindi sya nagsalita pero alam kong nasaktan sya nang mag-flinch sya. Bigla ko na lang syang nahampas sa likod kaya nagreklamo sya at humarap sa’kin.

     “Aray, ano ba? Alam mo namang masakit ta-“ Natigilan sya. Siguro dahil nakita nya ‘kong umiiyak.

     “Ano ba kasing ginawa mo bakit sila nagalit sa’yo?!” Pinahid ko yung luha sa pisngi ko. “Nakakainis sila! Bakit ba sila ganun?”

     He sighed. Hindi sya makatingin sa’kin pero alam kong gusto nyang magsalita.

     Tumayo ako. “Dito ka lang. Tatawagin ko sila Aaron para-“

     Maglalakad na dapat ako pero hinawakan nya ‘ko bigla sa braso. “Wag na. Okay lang ako.”

     “Anong okay? E halos patayin ka na nga nung siga na ‘yun e.” Inalis ko yung pagkakahawak nya sa braso ko at naglakad papunta sa may pintuan.

     “Sabing okay lang ako!” Sa sobrang gulat ko sa sigaw nya, natigilan ako sa paglalakad. Nilingon ko sya pero nakatingin lang sya sa kawalan. “Please, ‘wag na sana ‘tong makarating sakanila.”

     Natahimik na lang ako. Ang bigat sa pakiramdam ng mismong pagkakataong ‘yun. Yung sinag na nanggagaling sa sunset, yung silence sa loob ng restobar, at yung pagtingin ni Aijo sa kawalan- ang lungkot. Naalala ko dati nung sinabi nyang pupunta kami sa beach para sa sunset. I wanted to watch it with him but not like this.

     “Excuse me po. E-Eto po ulit yung softdrinks na inorder nyo kanina.” Naglapag yung girl ng isang case ng softdrinks sa may ibabaw ng counter. Dahan-dahan ‘tong kinuha ni Aijo, nag-abot ng bayad at saka binuhat ‘yun palabas ng restobar.

     Gusto ko sana syang tulungan kaso natakot ako na baka sigawan nya ‘ko ulit. Baka magalit lang sya. Instead na sundan sya, umupo na lang ulit ako sa may tapat ng counter. Umupo naman yung babae sa ibabaw mismo ng counter habang pinaglalaruan yung isang bote ng wine na nakuha nya sa may gilid ng fridge.

Making Him Fall for METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon