A/N: Hahaha. Di ko na alam ang gagawin ko. Unti-unti na kong nabibisto ng mga kaibigan ko. Baka matagpuan na ko sa wattpad. Di pa ko ready. T^T Enjoy reading.:)))
Yan po si Jun oh~ MUUWAAAAH~!!! <3
Alyssa's POV
Ibang klase din yung si Aijo. Iwanan ba naman si Denver. Kala ko ba sya ang maghahatid? Napapaghalataang di talaga sila magpinsan e. Yup. Kinuwento na rin sa'kin ni Den na echos lang nila yung pagigging magpinsan nila. And diba? Ako pa nga nagintroduce kay Den ng about kay Aijo? Ang engot ko lang dahil naniwala ako nung una.
Nagulat talaga 'ko, nahihiya ako dun sa dalawa, nagkiss tuloy sila ng di oras. xD
Anyway, si Aaron na yung naghatid kay Denver. So eto ko, naiwan sa party, magisa.
"Asan ba yung si Jun?" Tumayo ako mula sa bench then pumasok sa mismong bahay nila. Dun ko nakita si Jun na paakyat ng hagdan. "Uy! Jun!"
Lumingon sya pero nung nakita nya ko, ngumiti sya then agad na tumakbo paakyat. Naalala ko yung picture ko na kinuha nya kanina. Amph naman oh!
Tumakbo agad ako at sinundan sya. Malaki yung bahay nila kaya yari ako pag naisipan nyang makipagtaguan sa'kin dito kaya binilisan ko agad para maabutan sya. Narinig kong may nagsarang pinto sa dulo nung hallway kaya pinuntahan ko agad at sinimulang katukin yung door. "Jun. Pakibuksan na ng pinto! Akin na yang picture ko!" >____<
"Walang tao!" Praning talaga. Kung walang tao edi sana di na sya nagsalita. Seeeesh. (_ _")
"Naman e. Ano bang gagawin mo dyan?! Baka ipakulam mo 'ko!" T^T Amph naman e.
"Tapos na party, umuwi ka na!" Naririnig kong medyo tumatawa pa sya sa loob. Naman. Siguro kung nandito si Denisse, baka sinira nya na 'tong pinto. Di ko naman kaya yun.
Edi gagawin ko na lang yung kung saan ako magaling. Umupo ako at sumandal sa pintuan. Nagsimula akong suminghot para isipin nyang umiiyak ako. Then I started to sound like I'm crying na talaga.
"Kasi naman e..sabing, ibalik mo na..huhuhu.." Naramdaman kong lumapit sya sa pinto kaya baka buksan nya na. "Akin na kasi e.." Ano ba yan, ang arte ko lang.
Unit-unti, nafeel kong nagbukas yung pinto. "T-Teka, huy, umiiyak ka ba?"
"Ikaw e..huhuhu.." Chos lang. Feeling ko ang galing kong umarte. XD
"Haist, ano ba yan.." Mas bumukas na yung pinto kaya nagready na ko. "Wag ka na umiyak oh, eto na, tayo na dyan."
Iniabot nya na yung picture ko kaya tumayo agad ako. "Naniwala ka naman!" Kala ko mabibigla sya sa sinabi ko pero mukhang ako pa yung nabigla dahil nung hahablutin ko na yung picture ko e bigla nyang itinaas kaya medyo napatingkayad ako at natumba sakanya. At pareho na kaming natumba sa sahig ng kwarto nya. -____-
Kaya ang nangyari, nasa ibabaw nya ko habang namumula ko dahil sa kahihiyan. Habang sya, todo ngiti lang na parang inaasar pa ko.
"Amph, kaasar ka." Umupo agad ako para makabangon na rin sya pero napatitig ako sa isang side ng room nya.
"A-Ako ba yan?"
"O ano? Masaya ka na? Nalaman mo na kalokohan ko?" Nakangiti pa rin sya ng nakakaloko. Pano ba naman, yung isang side room nya, tadtad ng mga picture ko, iba't ibang pose, iba't ibang size. Seeesh. >////<
-------
Denver's POV
Ang aga ko ngayong papasok. Babawi ako kase di ako nakapasok kahapon dahil sa hangover ko nung isang gabi pa. Haaaay. Natulog lang ako ng natulog kahapon e. Malapit na ko sa school pero feeling ko nakapikit pa rin ako mula nung umalis ako sa bahay hanggang sa puntong 'to na naglalakad na ko. -___-
BINABASA MO ANG
Making Him Fall for ME
Dla nastolatkówThey are just victims of an arranged marriage. She's in favor but he is not. She falls in love with him while he already loves somebody else. She follows him everywhere just to see him with another girl. She waits for him He hurts her. She hopes for...