~sixty-third

676 18 2
                                    

Alyssa’s POV

    “Bakit ang tagal mong bumaba? Anong ginawa mo dun?” tanong ko kay Denver pagkalapit nya sa’kin. Napansin kong may iba sa aura nya, may something pero di ako sure kung ano ‘yun. “Okay ka lang?”

     “Mukha ba ‘kong natatae?” bulong nya.

     Tumango ako. “Mej.”

     “Damn. Naparami kain ko sa’min e. Umuwi kasi ulit si Mama. Dami nyang niluto.” Tumawa na lang sya but it was not enough to convince me. I’ve known her for months and medyo sapat na ‘yun para masabi ko talagang may mali sakanya ngayon. Pinalampas ko na lang. Baka mawala rin ‘yun sa pagtatapos ng taon.

     Ilang minuto pa, dumating na rin si Kiel at Aaron. Halos kasunod lang nila sila Yuna at Gab.

     “Nasaan si Yui?” tanong ko kay Kiel habang naglalakad kami papunta sa garden ng bahay nila Aijo. Nagkibit-balikat lang sya so nagkatinginan kami ni Aaron. He motioned at me na ‘wag na lang itanong ‘yun. I sighed. New Year na New Year, bakit parang lahat sila may problema?

     Ang plano lang naman namin ngayon ay dito kami magdi-dinner pero maguuwian na rin maya-mayang para kasama namin families namin sa pagsalubong ng Bagong Taon. Etong si Gab, kina Yuna ata magce-celebrate since wala dito ang parents nya.

     Nung dumating na sila Jun at Aijo, may dala silang fireworks. Sumimangot ako. “Para saan pa ‘yan? Di naman tayo magkakasama mamaya?”

     Nilapitan agad ako ni Jun. “O bakit ang lungkot mo kung di tayo magkakasama mamaya? Di mo sinabing clingy ka pala masyado.” Natawa sila sa comment ni Jun. “Pwede naman natin ‘tong gamitin nang mas maaga di’ba?” Inakbayan nya ‘ko as he pulled me closer to him, sabay halik sa noo ko.

     Habang pineprepare na yung dinner namin, nagset-up na  rin sila Jun ng fireworks. Sisindihan ‘yun right after naming kumain.

     The dinner was fun. Ang dami kong tawa sa kakornihan ni Jun. Pati na rin sa mga pambabara sa kanya nila Aijo at Gab. Hindi pa rin gaanong nagpapansinan ang dalawang ‘yun pero hindi naman awkward unlike before na parang may giyerang magaganap ‘pag magkakasalubong sila. Hindi lang siguro sila aware pero nagkakasundo sila ‘pag binabara nila sa boyfriend ko. Minsan hindi pa rin ako sanay, kahit sa sarili ko, na tawaging boyfriend si Jun. Para kasing hindi totoo. Napatingin naman ako kay Kiel, pangiti-ngiti lang pero most of the time, seryoso. Nag-break na naman kaya sila ni Yui? Si Yuna, as always, ang hyper pa rin. Sinasaway nya lang si Gab kapag sumosobra na sa panggagaspang. Kailan kaya magiging sila? Label na lang ata ang kulang, okay na. Tapos si Aaron, kain lang nang kain. Sya na ata ang may pinakamaraming nakain sa’min. Si Denver? Acting normal pa rin pero may something pa rin talaga. Ako lang ba ang nakakapansin?

     Kailan ba ‘ko nagsimulang maging observant?

Jun’s POV

     Around 8 p.m., sinindihan namin ni Aijo yung fireworks. Magkakasunod naming sinindihan para direderetso na kapag pinanood mamaya. Lumayo agad kami at sumama kina Alyssa as we prepared ourselves sa makikita naming view. Kaso halos ten seconds na siguro yung lumipas pero wala pa ring nangyayari.

     “What now? Fail ba?” malungkot na tanong ni Yuna.

     “Imposible naman, dyan din kami bumili last year. Okay naman yung fireworks noon,” depensa ni Aijo. Idea nya kasi kung saang store kami umorder ng fireworks.

     “Baka hindi ‘yan puputok hangga’t di pa New Year?” Medyo natawa ‘ko sa sinabi ni Alyssa. Tiningnan nya lang ako nang masama so I winked at her.

Making Him Fall for METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon