~twenty-fourth

1.4K 16 6
                                    

A/N: Sorry po kung napahaba 'tong update neto. Haha. Ganado?XD Feeling ko ang drama ng updates ko nitong mga nakaraan...:D COMMENTS PLEASE!:DD

Alyssa’s POV

“Jun naman e! Gabi na kaya! Gusto ko nang umuwi, akin na kasi yang mga binili ko!” Kanina pa ko naiinis dito. Sya naman parang batang excited na nakapila para bumili ng ticket. Ni hindi nya ko pinapakinggan. “Ah ewan sa’yo! Bahala ka dyan! Iyo na yang lahat!”

Maglalakad na sana ako palayo ng ticket booth pero bigla nya kong pinigilan.

“Uy. Eto naman. Peace offering ko na nga sa’yo ‘to, ayaw mo pa? Okay.” Huminga sya ng malalim. “About the kiss, sorry talaga. Hindi na mauulit. Please forgive me, niyayaya kita ngayon para makabawi ako. Think of this as a friendly date. C’mon, hindi mo ba namimiss yung old times? Movie watching natin?” The power of persuasion. Hay.

“Pasalamat ka, kaibigan kita!” Lumapit na ko sakanya.

“Ouch naman. Hanggang kaibigan na lang pala talaga ang tingin mo sa’kin.” Humawak pa sya sa dibdib with matching acting na kunwari nasasaktan sya. Baliw.

“Talagang hanggang dun lang. So know your limits!” Pabiro kong sigaw sakanya. Ewan. Imagination ko lang ba ‘yun o talagang nakita ko yung lungkot sa mukha nya?

Bumili sya ng dalawang ticket ng Sinister. Patay. Horror. Anong balak nya?!

Pumasok kami nung sinehan. Kahit last showing na ‘to ngayong araw, marami pa ring tao. Bitbit pa rin ni Jun yung mga binili ko at dun kami pumwesto sa taas, bandang gitna.

“I hetchu,” sabi ko.

“Wah? You hetmi?”

Nagkaintindihan ba kami? Oo ata.

“Alam mo naman ayoko ng horror e. Bakit eto papanuorin natin?!”

Ngumiti lang sya sa’kin. At hindi yung basta bastang ngiti ah, yung ngiting nakakaloko. “Sus. E bakit ngayon ka lang nagreact? Samantalang kanina ka pa pwedeng magreklamo sa’kin. If I know, gusto mong matakot tapos bigla kang mapapayakap sa’kin e. Okay lang. Willing naman ako.”

“Nakakainis ka. Ang kapal ng libag mo!”

“HA?!”

“Sssshhhhh.” Natigil yung pagaaway naming nung may sumaway. Hmph.

“Hoy. Anong makapal ang libag ko?!” Bulong nya sa’kin. Nagsimula na nga yung movie pero di naming pinansin. “Naghihilod ako three times a day!”

“Wow. Hiya naman ako sa’yo. Edi ikaw na. Defensive much?!”

At ‘yun na nga. Feeling namin nagaksaya lang kami ng oras at pera dun sa sine na ‘yun. Ni hindi ako natakot. The whole time, nagasaran lang kami. Psh. Sabi na e.

“NOOOOOOO!” Sigaw yan ng loser na kasama ko. Grabe. Kahiyahiya.

“Hoy. Hindi kita kilala ah. Uwi na ko bahala ka dyan.” Nagsimula na kong maglakad, malayo na ‘ko sakanya actually nung naalala ko na naman yung pinamili ko. Kaya bumalik ako. “Akin na nga ‘yan!”

“Kala ko ba di tayo magkakilala?”

“Che. Akin na sabi e!” LUmapit ako sakanya kaso inilayo nya lang. Palibhasa matnagkad sya kaya madali sakanyang makipagagawan sa’kin.

“Kasalanan mo ‘to. Kung hindi ka tumambay dun sa cr kanina after nung movie, aabot pa sana tayo dito sa Tokyo Tokyo. Ayan, sarado na. Wala na.” Swear. Mukha syang batang may tantrums. Ano bang problema nya?!

“Kasalanan ko ba kung mahaba yung pila. Tsaka malamang magsasara na ‘yan! E hindi naman yan 24 hours no. 10pm na kaya. Jun naman! Utak please?” Awts. Feeling ko ang harsh ko magsalita. Naka-Denver mode nga ata ako.

Making Him Fall for METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon