~thirty-sixth

1.2K 13 5
                                    

Denver’s POV

     Shet naman. Hindi na ‘ko uulit. Hindi na po ‘ko magdadrama ever, just get me out of this awkward situation.

     Huminto yung sasakyan dahil sa traffic. Nilingon ako ni Kim at napatingin naman sa’kin si Roy mula sa salamin. Argh. Kill me. Namumula na ‘ko sa kahihiyan. Gusto ko nang bumaba kaso ayaw gumalaw ng mga paa ko.

     “Ready ka na ba magkwento?” Napatingin ulit ako kay Kim na this time ay naka-smile na sa’kin.

     “H-Ha?” was all I could say. Di ko magets pero nahihiya talaga ‘ko. Nakakainis, nasa iisang sasakyan ka, ang ex-bestfriend mo at ang ex-fiance mo. Anong magandang gawin? Bigti na?

     Nakarating kami sa bahay nila nang wala man lang akong nasabi. Si Kim lang yung daldal nang daldal mula pa kanina. First time kong makapunta dito sa bagong bahay nila. Lumipat ata sila after nilang ikasal last year. Ewan.

     “Tara Den, pasok ka,” yaya ni Kim.

     Pagkapasok namin sa bahay, bumungad sa’min yung parents ni Roy. Sinalubong ni tita yung mag-asawa at di agad siguro niya napansin na kasama ako.

     “Ma? Ba’t kayo nandito? Maghahating gabi na oh.” Niyakap ni Kim si tita.

     “Yun na nga e. Saan ba kayo galing? Kayo talagang mga bata kayo, baka nakakalimutan nyong may baby na kayo. Di pwedeng gimik pa rin kayo ng gimik.”

     “I told you earlier sa phone na papanoorin namin yung concert nung idol ni Kim.” Si Roy naman yung yumakap sa mom nya.

     “Talagang galing kayo dun? Akala ko nagjojoke ka lang. I had no idea na kahit may anak na kayo e uunahin nyo pa yang pagiging fan nyo.” Muntik na kong matawa sa sinabi ni tita. Naalala ko kasi si Lian, sya nga sinasama pa ang anak para lang sa mga ganun e. “Oh! Denisse?”  Nag-smile ako nung napansin nya na ‘ko. Napatingin din si tito na nakaupo pa rin dun sa sofa.

     Pinaupo ako ni Kim dahil ichecheck nya daw muna sa kwarto yung baby nya. Sinamahan sya ni tita at ni Roy. I was left at the living room with tito. Argh. Umalis na kaya ako dito? I don’t even know why I’m still here.

     “How are you, Denisse?”

     “Okay naman po tito.”

     “Still getting yourself into arranged marriages?” Ay leshe. Talagang marriages? With capital ‘s’? Para nya na ring sinabing lahat ng arranged marriages ko, palpak. And I’m not getting myself into such situations. It’s not like I wanted it. Shet. Sya nga ‘tong pumatol sa setup ni Dad sa’min ng anak nya last year e. Ngumiti na lang ako, baka kung ano pa masabi ko.

     Bakit feeling ko tito doesn’t like me? Well, he used to like me for his son. Or baka naman concern lang talaga sya. Wala naman kasing ibang ginawa si papa kundi maghanap ng mapapangasawa ko. Adik lang. After bawiin ni papa yung proposal nya sa parents ni Roy, di na ‘ko nagpakita sakanila. They invited me sa kasal pero di ako pumunta. Ngayon lang ulit kami nagkitakita.

     Ilang sandali lang, bumaba na uli sila Kim. Habang tinitingnan ko silang mag-asawa together with Roy’s parents, I can’t help but imagine na what if… what if hindi kami umubra ni Aijo, and what if... sila talaga ang magkatuluyan ni Nathalie? Someday ba, magkakaron ulit ng ganitong situation sa buhay ko na tinitingnan ko yung ex-fiance ko na minsan kong minahal, together with his wife? And they’re happy with each other samantalang ako, wala.

     Past twelve na nung umalis sila tito. Grabe, hindi pa ba ‘ko uuwi? Hinila ako bigla ni Kim papunta dun sa garden nila.

     “Sorry about that. Tagal nila umalis e.” Tumawa sya at sinilip siguro si Roy. “So… ano? Kamusta na?” She smiled genuinely to me. As if best friends ulit kami. “Ngayon ka lang ulit nagparamdam. Kung hindi ka pa namin napansin kanina nung pauwi, edi hindi tayo magkakausap ngayon?”

Making Him Fall for METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon