~thirty-third

1.3K 12 4
                                    

Denver’s POV

“Ay shet na malagket.” Napatigil ako sa pagtakbo nung mapansin kong natanggal sa pagkakabuhol yung sintas ng left shoe ko. Naman e, late na ‘ko sa PE bakit ngayon pa?

     Pumunta ‘ko sa gilid at umupo dun sa steps nung isang building. Tinitigan ko yung shoe lace ko. Asar. Once in a blue moon na nga lang gamitin yung bigay na rubber shoes ng boyfriend saka pa pumalya. Remember? Di nga kasi ako marunong magsintas, sounds impossible right? Pero eto nga oh, I’m a living proof na may mga tao talagang complicated ang tingin sa mga simpleng bagay. Tanga na kung tanga, e sa… wait bakit ba ‘ko nageexplain? Malelate na ‘ko!

     So ang ginawa ko, isiniksik ko na lang sa loob ng sapatos ko yung shoelace. Tinest ko kung matatanggal ba pero okay naman. So tumayo na ulit ako and off I went. Pero wala pa sigurong ten seconds yung pagtakbo ko, naramdaman kong lumuwag na naman yung lesheng sapatos. Argh. Argh. ARGH! So gumilid ulit ako at umupo dun sa may Bermuda grass. Tinitigan ko ulit yung shoelace.

     “Para yang problem sa math, nothing will happen kung tititigan mo lang.” Nagulat ako nung may guy na lumuhod sa harap ko at itinali yung shoelace ko. Tiningnan kong mabuti kung pano nya nagawa kaso masyadong mabilis(at complicated) kaya di ko nasundan. Tumingin ako kay kuya par asana magpasalamat kaso nawala bigla yung ngiti ko.

     “Dapat ba ‘kong magthank you sa’yo ha, Ynares?”

     “I guess so.” Ang presko nya talaga. Shet sya, I hate his guts. Naalala ko bigla yung pinagsasabi nya sa’kin last time na kausap ko sya.

     “Alam mo ikaw, feeling close ka masyado e. Trip mo ‘kong pagtripan no? Halos mabrainwash ako nung nakaraan, leshe ka.” Hahampasin ko sana sya kaso napalingon sya dun sa right side nya. Sinundan ko yung tingin nya and there I saw Aijo, together with the bit-… I mean, Yuna Zafra. “Pikachu!” Todo wave ako ng kamay, tumingin lang sya sa’kin then kay Ynares then sa’kin ulet. Tumango lang sya then naglakad na papasok ng building nila. Ay? Nandito pala ‘ko sa tapat ng building nila. Haha. Hoy, di ko sya iniistalk at di rin ako nagpapapansin ah. Coincidence lang talaga ‘to. Mwahahaha.

     “Magkasama na naman sila, oh. Tsk tsk tsk. They look good together.” Nakaluhod pa rin sya sa harap ko at di pa rin naman ako tumatayo dun sa kinauupuan ko.

     “Alam mo? Ang bitter mong lalake ka. Obvious na obvious na gusto mo lang akong magalit kay Yuna para ako ang gumawa ng way para magkalayo sila at mapadali na sa’yo ang pag-damoves sakanya.” Napatingin sya bigla sa’kin at parang gulat na gulat. Bingo. Engot talaga nito e, nagpapabasa masyado. “Tama ako no? No?” At humagalpak na ‘ko sa tawa. Namumula kasi sya.

     Tumayo na sya kaya napatingala ako nung nagsalita sya. “Ikaw ata ‘tong feeling close e, you think you know everything about me? Asa ka.”

     Nagsalubong naman agad ang kilay ko dahil sa sinabi nya. “Bwiset, bitter ka lang kasi. Yung advice mo sa’kin kanina about sa shoelace ko, mas okay i-apply sa’yo. Yung babaeng ‘yun, parang math problem. Di mo makukuha yung sagot nya kung tititigan mo lang. Kainis ka. Idadamay mo pa kami ng boyfriend ko.”

     “B-Boyfriend?! Kayo na ni Eugenio?” Napangiti ako dahil sa tanong nya.

     “Yeeees. Di kasi ako sloooow tulad mo. Advice lang ah,” tumayo ako, “galaw galaw, baka ma-stroke yang feelings mo at di nya na ma-feel.” Pagkasabi ko nun, flip ng hair, smirk then walkout. “Thanks for tying my shoelace, anyway!” sigaw ko ng hindi lumilingon.

     “Matanggal sana ulit ‘yan! Baliw!” Muntik na ‘kong lumingon at sigawan ulit sya kaso sayang sa oras. Fifteen minutes na ‘kong late sa PE ko.

Making Him Fall for METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon