~forty-ninth

1K 8 4
                                    

Denver’s POV

     “Uy, Aijo… wait lang kase. Makinig ka muna oh…” Binilisan ko na talaga ang paglalakad ko para naman maabutan ko sya pero eto nga’t malapit lang sya sa’kin, hindi naman nya ‘ko gustong pakinggan. Deretso lang sya sa paglalakad. Narating namin ang parking lot at papunta sya sa kotse. Wala ata syang balak tumigil.

     No choice ako. Tumakbo na lang ako papunta sa unahan nya at hinarangan sya. Tumigil sya sa paglalakad pero hindi nya pa rin ako tinitingnan.

     “Makinig ka kase sa’kin. Yung picture na ‘yun…” Thinking of the picture makes me want to hate Ynares. Hindi ko alam yung side nya pero naiinis na agad ako. “Wala ‘yun. Konting photoshop lang ‘yun. Believe me. Never akong pumunta sa bar na kasama si Ynares!” My voice sounded so desperate.

     Napasinghap sya saka sya humarap sa’kin. “Know what? Magkaiba kayo ng sinabi.” Feeling ko sinakluban ako ng langit at lupa dahil sa sinabi nya. Bigla akong natakot, kahit alam kong wala akong ginawang mali, nag-arise yung takot na baka meron nga.

     “Mas maniniwala ka pa ba sakanya kesa sa’kin?” Nabasag yung boses ko sa tanong kong ‘yun.

     “Di ko ‘lam. I want to believe you kaso…” Hindi nya tinuloy yung sinabi nya. There it is- a sign of doubt. Lalampasan nya na dapat ako pero hinawakan ko sya sa kanang braso nya.

     “Aijo. Hindi talaga e. Maniwala ka sa’kin…” Gusto kong tumungo nung naramdaman kong tutulo na yung luha ko pero I chose not to. Tiningnan ko lang sya, hoping he could see the truth beyond my tears.

     Parang unti-unti akong dinurog nung dahan-dahan nyang inalis yung kamay ko sa pagkakahawak sa braso nya. “Madali lang sana maniwala e. Kaso kung lahat ng bagay ipinapakitang mali ka, that’s when it gets hard. Ilang beses kong sinabi sa’yong ‘wag kang sumama kay Gab. Hindi ka nakinig.” Nag-pause sya saglit, para siguro kumuha ng lakas at masabi sa’kin ang mga salitang gusto nyang sabihin kanina pa lang nung si Ynares pa ang kausap nya. “The first time I saw the two of you together, ayokong maniwala e. Pero nung mga sumunod…”

     The first time? Hindi ko nagets yung sinabi nya. Naglakad na ulit sya and tis time, di ko na sya nagawang harangan. Sinundan ko lang sya. “Aijo. ‘Wag naman ganito. Chill ka lang kas-“ Hindi nya ‘ko pintapos sa sinasabi ko. Nasa tabi na sya ng pinto ng kotse nya nung bigla syang humarap sa’kin ulit. Halata yung inis sa mga mata nya.

     “Chill? I chose you over her. Sana maintindihan mo ‘yun. Ilang araw pa lang Den, pero ang hopeless na agad.” Sumakay sya ng kotse at padabog na isinara yung pinto. Moments later, I found myself standing at that spot, alone.

     Sinubukan kong hanapin si Ynares pero bago pa ‘ko makabalik sa auditorium kung saan ko sila iniwan kanina, pinagtitinginan na ‘ko ng mga tao. I tried my best na ‘wag silang pansinin pero nakakainis talaga. Kung makatitig sila sa’kin, para bang hindi ko sila nakikita. Wala si Ynares dun. Ganun din si Yuna, Alyssa and Jun. Tatawagan ko sana si Jun since may copy sya nung picture kaso empty bat na phone ko. Nakakabanas yung mga ganitong moments, kung kelan mo kelangan saka nagiging useless. I’m pertaining to the phone and the people na may kinalaman sa problema ko.

     Hindi ko alam kung umuwi na sila or what. Six na ng hapon at nag-uuwian na ang mga tao. Hindi ko man lang nakasalubong or nakita sila Jun. Mag-isa ‘kong naglalakad papuntang CR habang pini-play sa utak ko yung mga nangyari kanina. Sinugod ni Aijo si Ynares. Pinigilan sya ni Yuna pero sinapak nya pa rin ang lalake. Yung pagsunod ko hanggang parking lot. Yung mga sinabi nyang hindi ko maintindihan hanggang ngayon. Thinking about it, naiiyak ako.

     Pagkapasok ko sa CR, in-occupy ko agad yung vacant cubicle. Ibinaba ko yung cover nung toilet bowl at umupo. Yumuko ako at itinakip sa mukha ‘ko ang pareho kong kamay. This isn’t happening. Nightmare ata ‘to e. Baka naman maya-maya lang magising ako dun sa kama ni Aijo. Baka tulog pa rin kaming dalawa, puyat dahil sa masayang kwentuhan kagabe. Yep, that’ll be better.

     “Nakita mo yung kumakalat na picture?” Nakuha yung attention ko nung nagsalitang babae.

     “Oo. Kaloka, everytime na nakikita ko sila naisip ko pa naman ang swerte nila sa isa’t isa but it turns out na kawawa lang si Aijo Eugenio dun sa girlfriend nya. But infairness, may taste pa rin talaga si ate! Pogi kaya ni Gab!” Halatang kinikilig pa yung isang babae. Gusto kong lumabas ng cubicle at lapitan yung babae. Sabunutan sya at ingudngod sya sa lababo.

     “Tama! At first nga, kala ko si Aijo din yung nasa picture. Anyways, she’s so malandi lang. Ilang lalake na kaya nahalikan ny-“ Natigilan silang dalawa nung bigla kong binuksan yung pinto. Mula sa salamin sa may sink, tinitigan nila ‘ko at halatang nagulat sila pareho.

     Napansin kong kilala ko yung isang babae. Classmate ko ata sya sa isang GE ko. “Instead na magchismisan kayo sa tungkol sa buhay ng iba, bakit di na lang kayo mag-aral ng mabuti. Baka mag-improve pa yung grades nyo.” Inemphasize ko yung ‘nyo’ habang nakatingin dun sa classmate ko. Madalas kasi syang absent sa klase kaya everytime na pumapasok sya ay pinagsasabihan sya ng prof namin.

    “Yabang mo naman,” mataray na comment nung kasama nya. “Akala mo kung sino kang matalino. Wag kang masyadong mahangin dahil kahit si Aijo Eugenio, galit sa’yo.” I was caught off guard by what she said. Oo, pumapasa ‘ko pero hindi ako topnotcher sa klase, unlike Nathalie. At tama sya, kahit si Aijo… wala ngayon sa tabi ko para ipagtanggol ako.

     Lumabas na silang dalawa at naiwan ako dun sa CR. Mag-isa lang ako dun kaya lalo kong na-feel yung sakit, yung takot at kung anu-ano pang emotion na kanina pa ‘ko gustong lamunin. Naghilamos ako sa lababo, inayos ko yung sarili ko then I decided to leave. Bubuksan ko na yung pinto kaso hindi ko magawa. I got locked up inside at mukhang pinag-tripan ako nung dalawang babae kanina.

     “Buksan nyo ‘to! I’m still here!” Hinampas ko yung pinto pero walang nangyare. Sinubukan ko ulit i-twist yung doorknob pero lock talaga.

     Ang sama nila. Yun yung naisip ko habang paulit-ulit na hinahampas yung pinto. I thought this university is way better compared sa school nila Aaron. Pero pareho lang naman pala ang mga tao. Yung mga nandito nga lang, naka-mask sila dahil nandito si Aijo Eugenio na tinitingala ng marami. Nanliit ako. Ever since I came to this school, kasama ko na si Aijo. Everything went smooth for me. Nagustuhan ako ng classmates ko nung nalaman nilang close kami ni Aijo. Pero ngayon, biglang naiba.

     Hindi na ‘ko sumigaw. Tahimik lang ako habang inuubos ang lakas ko sa paghampas ng pintuan. Paulit-ulit ko lang yung hinampas hanggang sa maging katok na lang ang ginagawa ko. Napagod na ang mga kamay ko and my hands started to be numb. Naiyak na lang ako.

     Nakakainis. Kaya ayoko ng drama, nagiging korni akong tao.

     Pinahid ko yung luha sa pisngi ko.

A/N: I know, ang ikli ng update. Next time na yung side ng ibang characters ah. Eeeeeee.. wag nyo po sanang pagsawaan.

Please leave a comment. Maiinspire talaga 'ko ng bongga at gaganahan magtype. >///<

Making Him Fall for METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon