MY Boy BestFriend is Inlove?
Kalina pa ako kinakabahan dahil baka kung anong isipin ni Papa sa nakita nya kanina. Ako lang kasi ang nag iisa nilang anak kaya naman napaka higpit ni papa sa akin pag dating sa mga lalaki. Tanging si Drei lang ang pinapatagan nyang makalapit sa akin.
"Gus-" mag uumpisa palang si papa mag salita ng putulin ko ang sinasabi nya, mahirap na kaya uunahan ko nalang.
"Papa hindi po katulad ng iniisip nyo yung nakita nyo kanina, mali po yun Pa, magkaibigan lang po talaga kami ni Drei hindi naman po lalagpas yun sa iniisip nyo, alam po namin yung limitasyon namin bilang magkaibigan." mahabang lintanya ko kay papa, pero kalina pa ng nag papaliwanag ako hindi ko alam kung guni guni lang bayon kase nakikita ko sa mukha ni papa ang pagka mangha.
"Bakit parang kabado ka?" tanong ni papa sa akin. Well totoo naman talagang kinakabahan ako. Hindi kolang talaga pinapahalata. Siguro dahil Papa ko sya ay nararamdaman nya iyon.
"Huh? HAHAHA hindi papa ah! Ikaw talaga! HAHAHAHAHA eto si papa napaka ano! HAHAHAHA" napatigil ako sapag tawa ng peke dahil tinitigan ako ni papa ng seryoso.
HALA!
"Alam ko naman na hindi kayo dadating sa ganyang estado dahil tulad ng sinabi mo kalina, alam nyo parehas ang limitasyon nyo. Pero hindi rin masama kung magiging kayo, hindi naman ako tutol." napa hinga ako ng maluw- WHAT!!!?
"Ano Papa?! Nag bibiro kaba? Si Drei?! Omayghad Papa!" hindi ko napigilang mag taas ng boses dahil talaga namang nakaka bigla ang mga pinag sasasabi neto ni papa, tsk! Pasalamat to si Papa mahal ko sya.
"Hindi ako nag bibiro. Hindi talaga ako tutol sa inyong dalawa. Dahil malaki ang tiwala ko sa batang iyon. Kaya ikaw magpaka babae ka hindi yung kung ano ang mahugot mo sa orocan mo ay iyon nalang ang isusuot mo dalaga kana hindi kana bata" pangangaral pa sakin ni papa. Bakit nya ba sinasabi tong mga to? Ano nakain neto ni papa?
" Pa... Kaibigan lang talaga Pa. Tsaka po yung tungkol sa mga damit ko yun po yung pinaka komportable na gusto kong isuot." sinsero kong tugon kay papa na ngayon ay naka tingin padin sa akin.
"Hmmm... O sya kung iyan ang gusto mo. Susuportshan ka namin ng Mama mo. Tandaan mo mahal na mahal kita, ng mama mo. Kaya mag iingat pa palagi." hindi ko alam kung bakit ako nahabag sa sinabi ni papa, pag dating kasi sa magulang ko ay nagiging marupok ako. Niyakap ko ng napaka higpit si Papa dahil napaka swerte ko sa kanya. Pati kay Mama, kahit medyo snob sya love ko padin sya.
"Nako ang Mikee ko. Hindi ko alam kung prinsesa o prinsipe. Ako'y naguguluhan." biro pa sakin ni papa na ikina tuwa ko nalang.
"Ako din Pa, naguguluhan den. Baka naman dalawa katauhan ko? Katulad nung nasa TV?" pag sakay ko sa biro ni papa.
"Basta kahit anong gusto o desisyon mo anak. Andito lang ako, kami ng mama mo maliwanag ba? Mag iingat kalang palagi." madamdaming sabi pa sakin ni papa. Napaka swerte ko talaga.
Ilang sigundo lang ay nag walay na kami mula sa aming pagkakayakap sa isa't isa.
"Papa. Pwede mamaya manood ng liga sa plaza? Kasama ko naman si Drei, tapos yung bagong lipat dyan samay kanto sasama din ata samin." pag papaalam ko kay papa.
"Lalaki ba yung sasama sa inyo? Kung oo sa susunod kanalang sumama kapag kayong dalawa namang ni Andrei at si yung bata lang na yun ang pinag kakatiwalaan ko." talaga tong si papa. Napaka over protective saken pag dating sa ibang lalaki. Maliban kay Drei.
"Ay hindi po Pa, bali kambal po sila, isang baba eh a-at isang l-lalake." hala bakit ako nautal. Bwiset naman kase! Bakit ang pogi ni Hiro?!
"hmmm... Lalaki? Iyan ba Mikee mapag kakatiwalaan? Kung may kasama kayong ibang lalaki bukod kay Andrei. Wag kang mag dididikit don. Kay Andrei kalang lagi tumabi maliwanag?" pag papaalala sakin ni papa.
BINABASA MO ANG
My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]
Teen Fiction[Completed] C'mon Guys, daretso na tayo sa Prologue! First story ko ito, kaya please expect the grammatical errors, loopholes, and typos Salamat 💞