My Boy Bestfriend is Inlove
A/N: (LITERAL NA BORING NA CHAPTER HAHAHAHA)
Zandrei Clyde's POV
Ng maka labas na ako ng kwarto ay nakita ko si Mama kasama nya nanaman ang Tatay ko'ng magaling.
Agad nila akong nakita at ng makita nila na handa na ako ay agad silang ngumiti, ayokong mag kunwari na okay lang sa akin ang lahat, kaya hindi kona sila nginitian pabalik.
Ng makapunta na ako sa pwesto nila ay akmang kukunin ng Tatay ko ang bag ko pero umiwas ako,
"Andrei." saway ni Mama sa 'kin napatingin nalang ako sa labas para hindi na humaba, baka magalit nanaman si Mama.
Hindi ko 'din alam kay Mama, ayaw nyang nagagalit sya palagi pero pumayag sya agad na isama kami at ilipat sa ibang bahay, hindi ba ni Mama naisip na kapag magkikita kami palagi ng Tatay ko ay hindi maiiwasan na mag-kasagutan? Lalo na at titira na kami sa isang bubong.
Pero no choice din naman ako, ginusto ko nalang din naman eh.
Sabay sabay kaming lumabas sa bahay, nakita ko naman sa tabi ng kotse na sasakyan namin ay andon si Tito at Tita, agad ko silang nginitian.
Ng marating namin ang pwesto nila ay agad akong niyakap ni Tita, tinapik naman ako ni Tito sa balikat.
Ng bumaling si Tita kay Mama ay kinausap ako ni Tito.
"Alam ba ni Mik—ahh, Jeca na aalis kayo?" tanong ti Tito, napangiti ako dahil kahit hindi maganda ang huling pag kikita nila ni An-an, ay alam ko na sa kanilang dalawa ni Tita ay si Tito ang pinaka napamahal kay An-an.
"Hindi po eh, ayaw kopo munang sabihin." napalitan ng pag tataka ang mukha ni Tito ng sabihin ko iyon.
"May balak ka namang sabihin sa kanya?" tumango ako, at napabuntong hininga naman si Tito.
"Mag ingat kayo." nadinig kong sinabi ni Tita kay Mama, parehas silang namumula ang mata, mukhang nag iyakan muna.
"Ikaw din, wag kanang malungkot ah?" parang bata na habilin ni Mama kay Tita, natawa naman si Tita, at ng mabuksan na ang kotse ay walang imik akong sumakay. Kahit anong gara siguro ng kotse na sinasakyan ko ngayon ay hindi padin ako masaya.
Sumunod nadin sa kotse sila Mama, at ng umandar na ang kotse ay hindi ko mapigilan na tumingin sa bintana kung saan tanaw ang bahay namin, ng malagpasan na namin iyon ay biglang bumigat ang dibdib ko. Makakabalik pa kaya ako sa baranggay na kinalakhan ko?
Ng makita ko na nasa Highway na ang kotse ay nag salita si Mama.
"Drei, magugus—"
"Andrei Mama, si An-an lang tatawag sakin na Drei." pag tatama ko sa sinasabi ni Mama.
"Zandrei Clyde." saway ng Tatay ko sa akin, tamad naman akong tumingin sa kanya, naka pokus sa daan ang mata nya pero mukhang nakikinig sya samin ni Mama.
"Alam mo pala buong pangalan ko?" hindi ako makapaniwala dahil hindi ko naman alam na alam na pala, ang galing tsk.
"Zandrei! Magtigil ka! Ngayon na sa iisang bubong nalang tayo titira matuto kang galangin ang Papa mo!" saway sa akin ni Mama, nasa tabihan sya ni Papa ng lingunin nya ako, bakas ang galit sa mukha nya.
"Layla, tamana. Wag mong sigawan ang bata, alam ko naman na may galit sakin si Andrei." napa ngisi ako, tama ba tong naririnig ko? Ipinag tanggol nyako kay Mama? Mas lalo pang sumama ang loob ko, hindi ko kailangan ng simpatya nya sa akin, dahil nung kailangan ko ng mag tatanggol sa 'kin ay wala sya, noong mga panahon na mas kailangan ko sya, mga panahon na mas kailangan namin sya ni Mama, kaya hindi kona kailangan yon ngayon, salamat nalang.
BINABASA MO ANG
My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]
Novela Juvenil[Completed] C'mon Guys, daretso na tayo sa Prologue! First story ko ito, kaya please expect the grammatical errors, loopholes, and typos Salamat 💞