My Boy Bestfriend is inlove?
Nagising nalang ko ng madinig ko ang isang pamilyar na tunog, isang tunog na nang gagaling sa isang makina, ng imulat ko ang mata ko ay nakita ko agad ang isang kulay puti na kisame, Malamang nasa ospital ako.
Iginala ko ang paningin ko sa paligid, bakit ganon? Diba sa mga Drama sa TV eh meron agad na tao para kamustahin kung okay lang yung pasyente? Asan yung sakin?
Nadinig ko na bumukas ang pinto kaya naman sinalubong ko agad iyon ng tingin, si Papa lang pala, ng makita ko sya ay tila pagod at lumo'ng lumo, pero ng ibaling nya ang tingin nya sa akin ay agad na umaliwalas ang aura nya, binigyan ko sya ng isang ngiti.
"Ayos kalang nak? Ano masakit sayo?" tanong ni papa sa akin, natuwa naman ako kase alam kong may byahe si papa pero pinuntahan nya padin ako, kaya naman hinawakan ko ang kamay ni papa.
"Ayos lang pa, Ang sakit ng katawan ko, pati sa likod para naman akong binugbog eh" biro kopa kay papa, napa buntong hininga naman si papa, tinignan nya ako na para bang kinakausap, pero hindi naman nabuka ang bibig nya.
"Nak, bukod sa likod wala na bang ibang masakit sa'yo? Kamay? Paa?" nag aalala yung mukha ni papa ng sinabi nya iyon.
Pinakiramdaman ko ang kamay ko, iginalaw galaw kopa, kaliwa kanan, ayos naman sya walang masakit, pinakiramdaman ko naman ang mga paa ko, kaliwa kanan, huh? Wait ulet, kaliwa kanan, sinubukan ko ulet igalaw pero bakit parang wala akong nararamdaman, napa tingin ako kay papa, lumuluha sya.
"P-pa, bakit h-hindi ko mar-ramdaman? Pa?" nag simula ng mangilid ang luha ko, bakit ayaw gumalaw?! Bakit hindi ko maramdaman?!
Tinignan lang ako ni papa na para bang hindi nya narinig ang tanong ko.
"Papa! Bakit hindi ko maigalaw tong mga paa ko?! Papa?!" sigaw ko at tuluyan na ngang pumatak ang luha na kalina pa gusto kumawala.
"S-sabi ng D-doktor... Napa lakas ang impak ng tama ng Van sa iyo, masyadong napuruhan ang mga buto mo sa tuhod, A-anak m-makaka lakad k-ka panaman." paninigurado sa akin ni papa, naka tulong naman ng kaunti ang sinabi nya pero masakit padin, dahil panigurado na maapektuhan na ang araw araw ko nito. Namin nila Mama at papa
Niyakap nalang ako ni papa at ginantihan ko naman iyon, doon bumuhos ang luha ni papa sa balikat ko, hindi ko mapigilan na mapa luha pa lalo.
"Mr. Alcaraz? Andito na ang mga test naginawa namin." naputol ng isang boses ng lalaki ang pag yayakapan namin ni papa.
"Dok... Pwedeng sa labas nalang tayo mag usap?" tanong ni papa sa doktor, pero gusto kong madinig ang sasabihin ng doktor.
"Pa. Dito nalang po kayo mag usap guato ko din madinig." pakiusap ko kay papa, alanganin naman syang tumingin sa akin pero napa buntong hininga nalang sya at pumayag.
"Sige dito nalang, Dok ano pobang kailangan gawin?" parang alam kona agad ang sinabi ni papa, at tungkol iyon sa mga paa ko.
Ilang sigundo kaming tinignan ng doktor na ikinapag taka ko. Pero napa buntong hininga din sya at nag salita na.
"Dadaretsuhin kona kayo hindi magihing madali ang proseso, dahil unang una ay ang pinansyal na kakailanganin. Pangalawa, aaminin kong kulang sa ospital na ito ang mga gagamitin na pang gamot at pang therapy sa tuhod mo Hija, Dahil sa lakas ng tama sa tuhod mo ay kailangan ng matagalang gamutan, Pero sa isang banda ay medyo swinerte ka Hija, Dahil Makakalakad kapa naman." sa sinabi palang ng Doktor ay tila ayaw nang tanggapin ng sistema ko, ayaw konang makinig pero kailangan, ayaw kong sila papa lang ang may problema.
"Madami may ilan nadin kaming naging katulad sa kaso mo Mister, kaya inuunahaj na kita hindi talaga biro ang gagastusin." salaysay ng doktor sa amin ni papa.
BINABASA MO ANG
My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]
Fiksi Remaja[Completed] C'mon Guys, daretso na tayo sa Prologue! First story ko ito, kaya please expect the grammatical errors, loopholes, and typos Salamat 💞