My Boy bestfriend is inlove?
Kanina kopa tinitignan yung babae na pumasok dito, sabi nya pinsan kodaw sya, at sya daw muna ang mag babantay sakin hanggang hindi pa daw nakakabalik yung parents ko gusto ko syang paalisin pero patuloy lang ang pag insist nya na dito muna sya, kayawala nadin akong nagawa.
Hindi pa bumabalik si Drei simula noong lumabas sya kalina, gusto ko sana na sya nalang ang mag tigil dito dahil mas gusto ko syang kasama, dahil medyo naiilang pa ako.
Sya yung nurse kahapon na napasigaw nung nakita ako, nag pakilala nadin sya sakin kalina, sya daw si CJ. Sobrang saya nya daw nung nakita nya ako, halos ma-iyak iyak pa sya habang sinasabi yon.
"Kawawa talaga si tita nung nawala ka, halos araw araw syang umiiyak, si tito naman laging tulala, alam moba? Tinulungan kodin sila sa pag hahanap sayo, kase hindi ko matiis na nahihirapan sila, kaya sobrang saya ko nung nakita kita, kaya tinawagan ko agad sila tita para sabihin na nakita na kita."
Habang sinasabi nya iyon ay naka tulala lang ako sa kanya, ang sarap pakinggan lahat ng sinabi nya, dahil kahit nalilito pa ako sa mga nangyayari ay may isang tao na nag mamalasakit.
Kahit hindi ko sya masyadong pinapansin ay kapag nag tatama ang paningin namin ay nginingitian nya ako, at nginingitian no naman sya pabalik.
"Jeca? Gusto mo ng juice? Ahh... Wait, gusto moba ng lasagna? Favorite mo yon eh, dati nga pag napunta ko sa bahay nyo lagi akong may dala ng favorite mo. Wait lalabas lang ako ioorder kita ng lasagna, dyan kalang ah? Wag kang aalis.. Ay silly me, hindi ka nga pala makaka alis dyan sa bed mo, pano kapag naiihi ka? may nakalagay ba sayo'ng katiter? You know? Yung nilalagay sa vageygey kapag hindi maka punta sa bathroom?" sunod sunod na lintanya nya, hindi ko naman alam ng sasagutin ko, tsaka ano yung katiter? Nilalagay sa vageygey?
Ano bang pinag sasasabi nya? Bakit ang daldal nya? Tsaka habang sinasabi nya yon with action pa, tapos yung mukha nya parang maarte na concern yung itsura nya, nakaka lito lang.
"Ahh.. Wala namang kinabit na ganon sakin, tsaka nagugutom na ako, baka pwedeng bumili ka nalang? Medyo naiilang kase ako, naninibago ba." nahihiyang sabi ko sa kanya, bigla naman syang natigilan at huminga ng malalim at ngumiti.
"Okay, wait lang." sabi nya sabay labas ng kwarto. Napa tingin naman ko sa kisame at napa irap, medyo naiinis ako sa kadaldalan nya, hindi ako sanay.
Mga ilang minuto lang ay bumukas na agad yung pinto, ang bilis naman nya? Tumakbo ba sya? Napalingon ako sa pinto at ganon nalang ang gulat ko ng makita ko si Drei! Ang sama ng mukha nya at namumula ang leeg at pisngi.
"Anyare sayo?" nag tataka kong tanong sa kanya, tinignan naman nya ako at napa irap sya.
Problema nito?
''May nurse don kalina sa hallway, kinausap banaman ako ng kinausap, tapos nung hindi ko sya sinasagot sa mga tanong nya, akalain mo banamang lumapit saken tapos hinalikan ako sa labi!" napatawa naman ako sa itsura nya, para syang dalaga na nanakawan ng first kiss.
"Oh e ano naman ngayon? Maka asta ka parang first kiss moyon ah?" natatawang sabi ko sa kanya, nakita ko naman syang tumalikod sakin at nag lakad papuntang sofa.
"Hindi ko nga first kiss pero nakaka inis lang, imbis na lalaki yung mag fifirst move. Eh sya pa yung nauna, hindi ba sya nahihiya?" iritang tanong nya, napataas naman ang isa kng kilay sa sinabi nya.
"So dapat ikaw yung mag fifirst move ganon?" tanong ko sa kanya, napa iwas naman sya ng tingin at tumikhim.
"H-hindi naman sa g-ganon, a-ang ibig kong s-sabihin—" hindi nya na naituloy yung sasabihin nya dahil nag salita na agad ako.
BINABASA MO ANG
My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]
Teen Fiction[Completed] C'mon Guys, daretso na tayo sa Prologue! First story ko ito, kaya please expect the grammatical errors, loopholes, and typos Salamat 💞