MY BOY BESTFRIEND IS INLOVE?
Kanina kopa pinag mamasdan yung mukha ni Mikee at ni Tita Marites, wala nga akong makita na pag kakahawig nila, wala manlang nakuha ni isa si Mikee sa mukha ng Mama nya.
Tahimik kaming lahat habang nakain ng biglang may kumatok sa pintuan namin. Tumayo si Mama para buksan iyon at ng maka balik sya ay may kasama syang lalaki.
"Papa, kalina pa kita inaantay." sabi ni Mikee ng matapos nyang nguyain lahat ng nasa bibig nya.
"Hinakot kopa kase lahat ng mga gamit natin para mamaya aayusin nalang." sabi nya sabay tingin sakin.
"Eto na anak mo?" tanong ng Papa ni Mikee sa Mama ko.
"Oo, ang pogi no?" naka ngiting sagot ni Mama sa Papa ni Mikee.
"Ay oo naman, kamukhang kamukha ni Ysandro." sabi pa ng Papa ni Mikee, biglang nanabang ako sa pagkain at nawalan ng gana.
"Ikaw nga eh umupo na dyan at kumain, ang dami mong dada." inis na sabi ni Tita.
Bumalik sila sa pag kain at nag kukwentuhan ng mga ilang ilang tungkol sa buhay nila, pero ako ay pilit nalang na inuubos ang pagkain na nasa harap ko.
Lumaki ako na si Mama lang ang nag palaki sakin dahil mas pinili ng magaling kong tatay na mag pakasal sa isang babae na mayaman.
3years old palang ako noon nung iniwan nya kami, halos si Mama lahat ang gumawa ng paraan para mapalaki ako ng ayos.
Naalala kopa noon nung nag aaral nako ng elementary, halos sa isang linggo hindi pwedeng wala akong absent dahil kulang kami lagi sa budget, dahil malayo ang school mula a tinitirhan namin, kailangan pang mag tricycle at jeep para makapasok ako.
Hanggang sa nag highschool na ako, ganon padin ang set up, si Mama ang nag babanat ng buto, habang ako ay school at bahay lang ang punta, kaya naisipan ko na tulungan sya, nag aayos kami sa gabi ng pang tinda na Banana Que at Kamote Que, at inilalako ni Mama iyon sa umaga bago ako pumasok.
At kapag hapon naman ay ipinang lalaba ni Mama ang mga kapitbahay namin na may kaya sa buhay, at kapag naka uwe nako galing school, tinutulungan ko sya, alam kong nahihirapan si Mama, pero itinatago nya iyon sa pamamagitan ng tawa at pag ngiti.
At sa bawat pagod, pawis at gutom na iyon ay lalo lang nadagdagan ang galit ko sa Tatay ko na ngayon ay nag papakasarap sa buhay nya, Mayaman, hindi nagugutom.
Mas lalo lang nadagdagan ang galit ko sa kanya noonh isang beses ay nakita ko si Mama na nakatulala sa TV at pinapanood ang isang balita na tungkol sa Tatay kong magaling.
"/Ysandro Quintana, isa sa mga business tycoon ang may isa sa mga pinaka malaking tulong na naipamahagi ng tulong ng yanigin ng 7.8 magnitude na lindol ang bahagi ang Visayas, malaki ang pasasalamat ng karamihan sa ipinamahagi na tulong ng naturing businessman./" Salaysay ng reporter sa TV
Nakita ko si Mama na pumuntang kusina, at ng silipin ko sya doon ay nakita ko syang naka tungo sa lamesa at doon ko nadinig ang kanyang pag iyak.
Mas lalong nag ngitngit ako sa galit at yung nasa puntong gusto konang sumigaw at mag wala, dahil naka tulong sya sa madaming tao, samantalang kami ay nag hihirap ng Mama ko.
At simula ng nakita kong umiyak ang Mama ko dahil sa Lalaki'ng iyon, ay hindi kona sya itinuring ama.
Pero sinwerte din kami kahit papaano, isang araw kase napag desisyonan ni Mama na mag apply sa isang kompanya, dahil tapos si Mama sa pag aaral at maganda ang kurso na kinuha nya ay agad na natanggap si Mama sa kompanya na inapplyan nya.
BINABASA MO ANG
My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]
Ficção Adolescente[Completed] C'mon Guys, daretso na tayo sa Prologue! First story ko ito, kaya please expect the grammatical errors, loopholes, and typos Salamat 💞