•Chapter 27• Promise

751 78 42
                                    

My Boy Bestfriend is Inlove?

A/N:(Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan habang sinusulat ko'to.)



"Anong ginagawa mo dito?"

"Uhm... Papa, binibisita lang kayo." nahihiyang sabi ko dahil ang kalina na masayang kwentuhan bago ako dumating ay napalitan ng tensyon sa buong sulok ng bahay.

"At bakit? Para ipamukha sa amin na maganda na ulit yang buhay mo?" gagad naman agad ni Mama sa sinabi ko.

"H-hindi po, ahm... G-gusto kolang p-po kayo maka usap." kahit naninikip ang dibsib ay nagawa ko parin na bigkasin iyon.

"Kakausapin mo kami para isumbat lahat ng sikreto na itinago namin sa 'yo? At ano yang mga yan? Hindi namin kailangan nyan! Ano yan suhol?!" napa igtad naman ako dahil bigla syang sumigaw, napahawa nalang ako sa laylayan ng dress na suot ko.

"H-hindi po s-sa ganon, g-gusto kolang po t-talaga na p-pumunta dito." pag sabi ko noon ay napatingin ako kay Papa na tahimik lang, at napabaling naman ako kay Tita na halos hindi maka tingin sa akin.

"Sige, mag usap tayo, hindi ba at iyon talaga ang pinunta mo dito?" Tuluyan na nag salita si Papa. Naramdaman ko ang hawak ni Maria sa balikat ko.

"S-sige po." tanging sagot ko nalang dahil kung mag sasalita pa ako ng mahaba ay baka tuluyan na akong mapa hagulgol sa iyak.

"Marites, labas muna ako, naalala ko may gagawin pa pala ako ngayon." napatingin ako ulit kay Tita na ngayon ay tinatahak na ang daan palabas ng pinto palabas ng bahay.

"Uh, lalabas muna kami ng mga kuya, Jeca. Para may privacy kayo." napa tango nalang ako sa sinabi ni Maria, at ng maramdaman ko na umalis na sila kasama ang driver at Body guard na kasama namin.

Ng kaming tatlo nalang ang natira sa loob ay nakakabingi na katahimikan ang nangibabaw sa buong bahay.

"K-kamusta p-po?" ako na ang nag simula na mag umpisa ng mapag uusapan dahil ako naman ang nag pumilit na kausapin sila.


"Ayos naman, masaya." nakagat ko nalang ang labi ko dahio gustong kumawala ng hikbi na kalina kopa pinipigilan.

"G-ganon po ba? M-mabuti n-naman po k-kung ganon." sagot ko kay Papa, napabuntong hininga naman si Mama.

"Mag umpisa kana, isumbat mona." napapunas nalang ako ng luha ng sabihin 'yon ni Papa.

"W-wala naman po akong isusumbat sa inyo, g-gusto kolang p-po talaga kayo m-makita." sabi ko sa pagitan ng pag iyak ko.

"Gusto mo kaming makita para ipag mayabang na mas maganda na ang buhay mo kesa noong andito ka sa puder namin? Gusto mong ipag mayabang na magara na yang mga suot mo mula ulo hanggang paa?" Salita ni Mama na mas lalo akong napaiyak dahil nakita ko ang panunubig ng kanyang mga mata.


"H-hindi Mama, wala akong isusumbat, m-makita kolang kayo, ayaw kopo ng sama ng l-loob galing sa inyo." napahawak naman si Mama sa kanyang ulo at marahan na sinuklay ang buhok gamit ang kamay.

"M-magalit ka! B-bakit ayaw mo kaming sumbatan?! B-bakit hindi k-ka magalit samin ha?! Tanggap namin lahat! Tatanggapin namin!" tuluyan nang napa hagulgol si Mama sa gitna ng kanyang pag sigaw sa akin.

"Mama—"

"Hindi moko nanay! Patay na ang anak ko! Akala namin kaya naming palitan si Mikee sa pag kupkop namin sayo! Pero hindi! Mas lumala lang! Dahil kahit anong pigil namin na wag kang umalis sa puder namin ay hindi ka namin mapipigilan! Dahil hindi mo kami kaano ano!" sa gitna ng pag sigaw at pag iyak ni Mama ay nagawa parin nyang sabihin yon, mga salita na talagang masakit hindi lang sa tainga, kundi sa pakiramdam.


My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon