•Chapter 8• CRUSH

2.3K 137 17
                                    

My boy bestfriend is inlove?

"ETO binili to ni Mama sayo, pasensya nadaw sa abala kalina, nakita mopa 'yon." Pag hingi sakin ng tawad ni Drei, sabay abot sakin ng isang basket ng mga prutas.

"Asusss... Kunwari kapa ikaw lang din naman ang makaka ubos nan, ikaw pa." pang aasar ko naman sa kanya pero hindi nya ako pinansin at kumuha sya ng kutsilyo sabay binalatan yung mansanas.

"Bat mopa binabalatan yan? Hugasan mo nalang at hiwain." sabi ko sa kanya at naoa tingin naman sya sakin, yung tingin na akala mo mas marunong pa sayo.

"Ganito yung napapanood ko sa TV kaya wag kabng maingi alam." umismid pa sya saken at ipinag patuloy ang pag babalat ng mansanas.

Huminga ako ng malalim at tinignan ang dalawa kong paa. Bakit kaya wala pa si Papa? Tapos si Mama hindi padin napasok dito, sabi saken ni Drei andon lang naman daw sa labas.

Nakakatampo naman.

Napabuntong hininga nalang ako at inilipat ang paningin ko sa paligid ko. May point naman si Mama, sana sa Public Hospital nalang ako dinala, mapapamahal pa tuloy yung gastusin.

Tinignan ko ulet si Drei na seryosong seryoso sa pag babalat ng mansanas. Nakita ko nanaman tuloy yung mukha nya kalina nung andito yung Papa nya, pero mas seryoso sya ngayon, na para bang kapag gumalaw yung mansanas eh kakatayin nya agad.

"Ang pogi palang Papa mo no Drei?" pag basag ko sa katahimikan na bumabalot sa buong kwarto.

"Ayan balat na." Hindi nya pinansin ang sinabi ko mukhang nililihis nya ang usapan, alam kong hindi maganda ang relasyon nya sa Papa nya. Kaya naman siguro kailangan nyang ilabas yung sama ng loob nya kahit papaano.

"Alam mo mag kamukha kamo kayo." sinadya kong diian yung salita ko, dahilan para mapa tingin sya sakin.

"Oh?" tanong nya, halata namang pikon na sya pero ang sarap titigan ng mukha- ay este ekspresyon.

"Kaya pala hindi mo kamukha si Tita kase kamukha mo Papa mo." sabi kopa sa kanya, at sya naman ay binaba yung hawak na kutsilyo at tumingin daretso sa mga mata ko.

At ayun na naman ang mga pesteng nag lilipadan sa sikmura ko at pag init ng paligid.

Nilapitan nya ako at ng mga dalawang dangkal nalang yung pagitan namin ay bigla nyang sininubo yung nabalatan at nahiwa nya nang mansanas, at doon kolang nalaman ng naka nganga pala ako!

Homayghad!

"Daldal mo." Sabi nya sabay kagat din sa hawak nyang mansanas.

Habang kumakain kami ng mansanas ako naman ang naiinis.

Ang ingay kumain!

"Ang ingay mo kamo." inis na sabi ko sa kanya at tinignan nya lang ako at kumagat ulet ng mansanas, at mas nilakasan pa ang pag nguya.

"Dika titigil?" nakaka pikon! Hindi ako maka kain ng ayos dahil sa ingay nyang ngumuya.

"Ansharap pala ng appow machamish." pang aasar nya pa sakin habang punong puno ang bibig nya ng mansanas.

"Ang baboy mo kamo Zandrei Clyde!" nginisian nya lang ako na para bang nag eenjoy pa syang asarin ako ng todo.

"Kashe namawn ang shara-" hindi na nya natuloy ang sinasabi nya dahil ibinato ko sa kanya yung natitirang Mansanas sa kamay ko.

"Damuho ka! Ang ingay mong ngumuya!" sigaw ko sa kanya. Nagulat naman ako dahil tinignan nya nanaman ako ng pagka seryo seryoso sumandal.sya sa sofa at...

Kinagat yung mansanas na hinagis ko sa kanya. Bwiset.

"Wag kang ano dyan kumakain ako Mikee." sabi nya saken at ngumuya ng ngumuya, mabulunan ka sana dyan.

My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon