•Chapter 11• MEET MIKEE

1.8K 125 3
                                    

MY BOY BESTFRIEND IS INLOVE?

ZANDREI'S POV

FLASHBACK...

Katatapos kolang mag exercise ng lumabas ako sa kwarto ko at nag tungo sa sala. Nakita ko si Mama na bagong ligo at ayos na ayos.

"Ma? Bat ayos na ayos ka dyan?" tanong ko kay mama na ngayon ay nag susuklay ng buhok nya.

"Dadating yung kababata ko, dyan na sa bahay na bakante titira, oh ikaw din maligo ka at nakakahiya iyang itsura mo, pawisan." Sabay pasada ni Mama ng tingin sa buong katawan ko.

"Syempre, pogi ako kaya kelangan ko mag palaki ng katawan, kakatapos kolang kaya mag exercise." Napa irap naman si Mama sa hangin ng sabihin ko 'yon.

"Tigilan moko dyan sa mga pa utot mo Andrei ah, mag hugas ka muna ng pinggan bago ka maligo ang baho ng itsura mo." Kahit ganyan yan sakin si Mama mahak na mahal ko yan, ang nag iisa kong reyna.

Niyakap ko si Mama sa likuran nya at nagulat naman sya sabay hampas ng suklay a balikat ko.

"Ano ba Andrei?! Kaliligo ko lang tapos yayakapin moko ng pawisan ka? Nakakadiri kang bata ka." Yan si Mama hindi talaga sweet, napaka prangka mag salita nan.

"Eto namang si Mama, mag huhugas na nga ako ng pinggan tapos aawayin mopa ko, mag tatampo 'tong mga kamay ko sige ka, hindi to mag huhugas ng mga plato." Pag bibiro ko kay Mama, kinuha naman nya yung bote ng lotion at ibinato saken, Tapul ako sa Balikat.

"Eto na... Mag huhugas na ng pinggan!" Natatawa kong sigaw kay Mama habang papuntang kusina.

"Maligo ka!" pahabol pa ni Mama, napa kamot nalang ako sa ulo at kinuha ang sponge at nag umpisa nang mag hugas ng pinggan.

Nag babanlaw nako ng mga plato nang madinig ko si Mama na sumigaw, hindi yung sigaw na nakakakaba, pero yung sigaw na masaya.

"MARITES!!! NAG KITA NA ULIT TAYO SA WAKAS!" napa kunot ang noo ko sa sobrang lakas ng sigaw ni Mama. Parang nanalo sa lotto.

"Layla! Kamusta ka? Asan na yang binata mo ha?" Malamang ako yung hinahanap ng kaibigan ni Mama, ako lang naman ang binata non.

"Andon sa kusina, nag huhugas ng pinggan, pero baka nasa CR nayon at naliligo tara tuloy kayo." Kayo? Ibig ssabihin may kasama pang iba yung Kaibigan ni Mama?

"O eto naba anak mo? Nako napaka gandang bata! Bakit hindi mo kamukha?" Nadinig kong tanong ni Mama dun sa kaibigan nya.

"A-ah.. K-kase, n-napaglihihan ko yung kapitbahay namin na b-bata nung ipinag b-buntis k-ko sya." ahh.. Siguro pangit, nakita kona kase sa picture yung kaibigan ni Mama maitsura sya, medyo may ka pandakan ngalang.

"H-hello po." Napatingil ako sa oag babanlaw ng huling baso ng madinig ko ang boses na iyon, ang hinhin nya, at Babae.

"Ang Ganda mo namang bata ka! Naku! Dapat ikaw nalang ang anak ko, Marites, mag palit na nga tayo ng anak." pabiro pang sinabi ni Mama don sa kaibigan nya.

Binilisan kona ang pag balaw at nag punas ng kamay. Ng nakapag punas nako ng kamay ay humakbang nako papuntang sala at doon ko nakita ang kaibigan ni mama at yung babae.

Maputi, balingkinitan ang katawan, hanggang balikat ang buhok, cute na mata, cute din na ilong.

Ang ganda.

May kung ano sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag, parang bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko.

Napatingin sakin sila Mama at yung kaibigan nya, pati yung Babae.

My Boy BestFriend is Inlove? [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon